60. Betting Game

3.2K 194 35
                                    

The clear night sky made the stars brighter above the sea. And after our simple dinner sa cottage, sumaglit ako sa rest house para kumuha ng face towel. At dahil busy si Rico sa pag-check ng lahat ng photos para i-send kay Malevolent Mum, nag-volunteer si Patrick para samahan ako sa loob.

Naka-backpack lang ako, at kumapara sa suitcase ni Rico, hindi sobrang organized ng gamit ko sa backpack kaya kailangan ko pang magkalkal para lang sa face towel na natabunan ng mga maxi dress.

Maaliwalas sa living room ng rest house dahil sa puting pintura, at doon lang nakatambak ang lahat ng gamit namin sa sofa.

Nakasandal si Patrick sa dingding na likuran lang ng switch ng ilaw, nakakrus ang mga braso, at pinanonood akong magkalkal. Nakailang sulyap na ako sa kanya kasi parang may gusto siyang sabihin pero mukhang humahanap pa ng timing.

"Pat, speak if you have something in mind," sabi ko agad bago ipinagpatuloy ang paghahanap ng face towel. Mukhang nagamit ko yata ang lahat pampunas kay Rico noong nalasing siya. Bakit ba kasi hindi ko ginamit ang kanya?

"Are you happy?" tanong ni Patrick kaya napasulyap ako sa kanya.

"What do you mean by happy?"

Shocks, wala na talaga akong makitang face towel. Kalkalin ko na nga ang maleta ni Rico.

"Itong planned getaway ni Rico," sabi niya.

Pagtayo ko para lumipat sa gamit ni Rico, doon ko lang nakita ang mukha ni Patrick na seryoso. "Planned getaway ni Rico?" Natawa ako nang mahina. "I thought you texted me to be here."

"Yeah, I did. And I explained the reason why sa text last time."

Napaisip ako. Text last time? Pero si Rico ang sumagot n'on. And that was that night na devastated ako because of Arthas and my missed wedding.

May nabasa akong text niya, pero may ibang missing messages pa kasi ang ibang part ng text may something na wala naman sa previous replies ni Rico na kunwaring ako.

"Nag-aya ka lang dito sa Calatagan, di ba?" tanong ko bago pag-interesan ang maleta ni Rico.

"I asked you to be here kasi nag-aya si Rico ng outing last month pa, ngayon lang natuloy."

"Nag-aya si Rico ng outing 'tapos inaya mo 'ko? Why?" natatawa ko pang tanong na may halong pagkalito.

Ang dami-daming aayain, ako pa talaga? At ibig sabihin, gumawa ng kuwento si Rico para lang sa outing na 'to? Bakit? To surprise me? Para ipakilala ako sa barkada niyang kilala ko naman na?

"Wala lang. Inisip ko lang na baka pwede pa," sabi niya.

Napahinto ako at kunot-noo siyang tiningnan. "Puwede pa ang alin?"

"Yung tayo." At sa ekspresyon pa lang ng mukha, sobrang seryoso talaga niya. At ayoko siyang seryoso kasi mukha siyang potential sin for me. "I asked you to be here kasi sabi ni Rico, exclusive sa barkada ang outing. If ever na magdadala man kami ng chick, 'yong kilala ng buong barkada, so I texted you."

"Oh. Chick." Napatango ako. And that was all I was. Chick. "At ako pa talaga ang inaya mo."

"Ikaw ang unang pumasok sa isip ko e."

"Na chick?"

"Na kilala ng buong barkada. Saka nag-a-attempt lang ako na baka puwedeng . . . you know? Baka lang."

Natawa ako nang mahina bago napakamot ng sentido. Nagbuntonghininga ako saka tiningnan ulit si Patrick. "Pat, you're a great guy. I know that. And I don't hold a grudge sa ginawa mo kasi alam kong hindi rin ako ready that time to commit noong naghiwalay tayo. Alam ko ring may mali ako at hindi ko sinisisi sa 'yo lahat kaya nga ganito tayo ngayon."

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now