31. The Soon-To-Be Husband

3.6K 227 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SA KANILANG magbabarkada, si Rico lang talaga ang lalaking hindi nag-alok ng friendship o panliligaw sa akin. He admitted na nagpustahan sila, na-offend ako, pero hindi siya gaya ng inaasahan kong pakiramdam.

Probably kasi hindi ko naramdaman ang pustahan? Or more likely, mas naramdaman kong kami ang talagang sumusugal dito at hindi kasali ang barkada niya.

Rico was playing with me, and it wasn't the usual game Clark and the rest were playing. Masyadong malaki ang nakataya para lang sa pustahang 'to, at duda akong gagastos ng milyon-milyon sina Patrick para lang sa one-night stand or something.

Compared to Patrick and Clark and the other guys before them, Rico introduced himself to me as an investor and a part-time boyfriend, according to our agreement. And he wasn't a liar when he said he would invest his money in me, because he really did. And not just a few thousand, but almost a hundred million that even I couldn't possibly earn within a decade.

Ayokong sabihing masuwerte ako dahil soon ay mapapangasawa ko na ang isang mayamang lalaking gaya ni Rico. Ni hindi ko nga alam kung ano pa ang ibang detalye sa buhay niya, napapaisip tuloy ako kung talagang magpapakasal na kaming dalawa.

Iniisip kong mga ala-una pa siya makakarating sa condo ko, at mauuna na akong makatulog bago pa man siya makarating, pero papikit pa lang ako nang marinig kong bumukas ang pinto. May passcard siya ng pinto ko kaya kahit pa i-lock ko sa loob at matulog ako, makakapasok at makakapasok pa rin siya.

Kahit si Arthas o si Myles, never kong binigyan ng passcard ko. Tatawag muna sila o magte-text na nandiyan na. Kapag may nag-doorbell, bubuksan ko na lang. Reasonable naman na ibigay ko sa kanya since ikakasal na nga kami soon.

Hindi ako kumilos sa pagkakahiga ko. Nagpanggap akong tulog. Gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin niya kapag naabutan niyang hindi ako gising.

Sa iilang linggo kong kasama si Rico sa iisang higaan, ni minsan, hindi siya nag-initiate ng higit pa sa halik at ilang cuddle.

I was expecting him to do something beyond that gaya nina Calvin, but no. Madalas nga, source of disappointment ko na rin na hindi talaga siya nag-aalok. Hindi ko rin siya natatanong kung bakit. Feeling ko naman, hindi siya napapangitan sa akin dahil may "occasional intimacies" din naman kami before.

Pinakikiramdaman ko siya. Hindi naman sobrang malakas ang pakiramdam ko, pero naririnig kong may inilapag siya sa nightstand malapit sa akin base sa tunog sa harapan ko.

Mukhang nakaligo na siya bago bumalik dito. He usually made a beeline of his exclusively Dardenne strong aquatic scent, yet he smelled minty menthol this time.

He didn't say anything. Iniisip nga yatang tulog talaga ako. Madalas kasi, nagtatanong siya kung gising pa ba ako. Kapag nagtatanong siya, saka lang ako nagigising mula sa totoong pagtulog.

Naririnig kong lumalayo ang yabag ng paa, papuntang kitchen area. Bahagya akong nagdilat ng mata, tinanaw ko sa glass wall ng balcony ang reflection niya. Nasa kitchen nga, nagbubukas ng ref. Kumuha ng tubig saka uminom.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon