49. Wingmen

3.3K 193 15
                                    

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.


LUNCH TIME, at kung noong unang tapak ko sa mansiyon ni Rico sa Ivory Meadows ay carefree lang ako; this time, naging mabigat sa akin ang pagkilos dahil kay Inday Sita at sa mga tagapagsilbi sa bahay.

I couldn't count how many maids were cleaning the house, but I haven't seen the same faces mula sa labas hanggang sa loob kaya malamang na lalampas sila sa twenty.

"Rico, nakakapagsalita naman si Inday Sita ng Tagalog, di ba?" bulong ko kay Rico habang nasa dining table kami at pinagsisilbihan. Bad news for me, Rico is not the chef for today kaya hindi ako makakapag-request ng meal. Good news: we're going to eat without spending most of our hours cooking.

The head of the table was not occupied. Rico was seated at the end of the table's right side at katabi naman niya ako sa kanang upuan niya. Nakaharap kami sa direksiyon ng kitchen kung saan anim na maid ang kanina pa paikot-ikot doon habang nagluluto.

"Inday Sita can speak and understand five languages: English, Tagalog, Bisaya, Danish, and Chavacano. Ni-require ni Dad. Pero madalas kaming mag-usap ng Bisaya saka English kasi ang main office dati nina Daddy, Cebu talaga. Hindi siya fluent sa Tagalog as main language, but she can communicate well."

Inday Sita looked like a strict grandma as she guided all the maids wearing light blue uniforms. Nakakailang basa na siya sa hawak niyang clipboard. I asked Rico about that, and he said that that was the list of their tasks here at his house.

God, habang nanonood ako, saka ko lang nada-digest kung gaano sila ka-organize magtrabaho.

"She's strict sa activities, 'no?" puna ko habang nanonood pa rin sa kitchen.

"She's the one who taught me how to organize things well. She almost has Dad's prerogative. Mas strict siya kaysa kay Mum. Kapag magkatabi kami ni Mum at nag-aaway kami, parehas niya kaming pagagalitan. Kapag may ginawa kang mali, palo ka sa kamay."

"Really?" gulat kong pagbaling kay Rico. Nakakatakot na nga ang mama niya, mas malala pala si Inday Sita. Kaya pala same vibe sila. "Dapat na ba 'kong kabahan?"

"It's fine. Baby naman niya 'ko."

"Wow." Pinigilan ko namang matawa dahil sa sinabi ni Rico. Pansin ko rin kasing parang bata kung tratuhin ni Inday Sita si Rico. At panay rin ang sermon at kurot niya sa braso nitong katabi ko kapag nagbibiro. She didn't look like a maid to me. Mukha talagang siyang lola ni Rico base sa treatment.

"Inday Sita, Tagalog ka raw muna," nakangiting utos ni Rico pagbalik sa mesa ng nanny niya. "Jaesie can't understand us daw kasi."

"Hey!" Tiningnan ko nang masama si Rico. Ilaglag daw ba ako? Wala naman akong sinasabing pagsalitain niya ng Tagalog ang nanny niya, a!

Binalingan ko si Inday Sita na porker-faced lang na nakatingin sa akin.

Grabe, ano bang pamilya meron itong si Rico? Kahit ang mga maid, mukhang mas may authority pa kaysa sa mga amo.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora