62. Hidden Desires

3.4K 199 19
                                    

Hindi ko pa nakikitang magselos si Rico, sa totoo lang. I saw him in his annoyed mood, or that irritated, or the angry mood caused by Clark—but not jealousy.

I asked him if he was, and he didn't dodge the question. That was his default yes, kaya hindi ko alam kung tatawanan ko ba or what. Pero more of gusto ko talaga siyang tawanan kasi ngayon ko lang siya nakitang magselos sa "tao" at hindi sa café ko.

"Rico . . ." nang-aamo kong pagtawag para pansinin na niya ako. Kanina pa niya ako ini-snob, grabe talaga siya. Naiintindihan ko naman kung masama ang loob niya dahil kay Patrick, pero talagang susuyuin ko siya? Ang pabebe naman niya!

Wala siyang isinagot. Tumayo lang 'tapos pumunta sa kusina ng rest house.

"Uy, Rico . . ." Sinundan ko naman.

Ano'ng magagawa ko? Siya ang nagtatampo e. At kasalanan ko rin naman, aminado naman ako.

Ayaw niya akong paglaruin kasama ang barkada niya kasi ine-expect na niya itong mangyari.

Okay, sige, aakuin ko na ang fault. Pero grabe ba talaga ang sama ng loob niya kay Patrick para umarte siya nang ganito?

"Rico, kausapin mo nga ako." Huminto ako paghinto niya sa may kitchen sink. "Rico . . ."

I wanted to laugh at him kasi kung kumilos siya, iwas na iwas talaga siya sa akin. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi habang naghuhugas siya ng kamay. Sinubukan ko siyang ipaharap sa akin para matuon sa akin ang atensiyon niya pero nagmatigas siya. Hindi ko maipaling ang mukha niya paharap sa akin.

"Rico, sorry na," sabi ko at umaktong parang pusa na lang na naglalambing sa kanya. Niyakap ko ang kaliwang braso niyang hindi ko alam kung mainit lang ba siya o malamig lang ang kamay ko. Honestly speaking, I didn't know my fault. I was just asking about Patrick 'tapos ganito siya.

Well, most of the time kasi, ako ang ganito, at hinahayaan lang niya akong huminga pansamantala, pampalamig ng ulo. Ang kaso, hindi ko 'yon puwedeng gawin ngayon kasi hindi ko alam kung same lang ba ang ginagawa niya sa akin. Baka kasi sobra siyang magtampo, malay ko kung paano aayusin.

"Rico . . ." Pagtalikod niya, mabilis kong inangkla ang mga braso ko sa batok niya at pinungayan siya ng mata. Guys usually bought this "pa-cute" acts of mine kaya malay ko kung tatalab sa kanya. "Huwag ka nang magalit, hmm?"

I tiptoed over and kissed him. I teased him a bit using my tongue, expecting him to be carried away by that, but my lips felt otherwise. He was not responding to it kaya lumayo agad ako.

Pagtingin ko sa mga mata niya, He maintained his emotionless demeanor while displaying a hint of . . . displeasure.

Ang tingin niya, naghuhumiyaw ng "I am so disappointed in you, Jaesie."

Kahit ang tawa ko dahil sa reaksiyon niya, biglang nawala at napalitan ng kaba. Mabilis akong kumalas sa kanya at umatras agad.

"S-Sorry," mabilis kong nasabi at agad akong tumalikod.

Rico manifested too many emotions tonight na hindi ko naman usually na nakikita sa kanya. And this latest image of him went to that dark spectrum of his persona that I would never wish to see in him.

I assessed my feelings, and upon thinking about it, he just brought this unknown fear inside me na bago sa pakiramdam ko. Unexplainable fear na kahit anong hanap ko ng kaparehong pakiramdam sa past experiences ko, hindi ko talaga mahanapan ng similarities.

Nag-walkout na lang ako at papalabas na sana ng kitchen area nang bigla akong hatakin ng malaking kamay, at sa sobrang bilis ng mga pangyayari, pagpikit ko dahil sa gulat, nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa akin pagdilat ko bago tumama ang likod ko sa solidong dingding.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now