65. Malevolent Mum

3.6K 240 36
                                    

THREE MONTHS.

It's been three freaking months since the news about Rico and I exploded. Or not really. Kumalat lang na kasal na raw si Sir Ronie (nila) sa isang awardee ng Business Circle. I never thought that that no-biggie trophy would be my label as Rico's wife. Busy kasi kaming pareho these past few months kaya hindi ko rin alam kung hindi pa ibinalita sa akin.

June, kinailangan kong pumunta sa Cebu para sa grand opening ng Purple Plate Cebu branch na si Erwin Abalos ang manager, and of course, franchised by Ronerico Dardenne.

I thought, okay, puwedeng vacation na rin. Pero pagdating ko sa location sa Business Park, kulang na lang, magpa-book ako ng flight pabalik sa Manila dahil sa inis.

Let's go back to the main reason kung bakit ko pinatos ang franchising. Ang usapan namin ni Rico, ie-exhaust ko ang lahat ng resources niya hangga't kailangan ko. Ipina-handle niya sa akin at kay Erwin ang branch niya. After kong maibigay ang lahat ng info na kailangan ng branch niya, okay na kami. Ang inaasahan, medyo mas mababa ang level or ka-level ng branch ko kasi "branch" lang din, e. Parang sa fast food or something.

Pero doon pa lang sa araw na nakita ko ang branch niya, the café itself, halatang hindi tinipid ni Rico sa construction.

Purple Plate: Pasay branch is a two-story café na purple and white ang paint and theme. Mukha ngang ice cream parlor kung titingnan sa labas. Malalaman lang na café kapag sumilip na sa glass walls. Pero ang branch ni Rico, white and purple din naman ang exterior, pero mas lamang ang nature feels sa kabuuan.

Two-story din ang establishment, pero may division ang café na may iba't ibang theme pa. Pagpasok ko sa loob, pabilog ang counter na sobrang lawak. Kitang-kita rin mula sa counter ang kitchen at kung gaano ka-busy ang mga kitchen staff sa loob. May mahabang salad counter sa right side at self-service. Sa kabila naman ay may bread counter na self-service din at kompleto sa gamit sa gilid kasama ang mga tong at small trays.

White ang round tables habang purple naman ang kulay ng mga round ladderback chair para sa mga mesa na pang-apat na tao. May Winsome Fiona naman na para sa dalawang tao. Nakahilera 'yon sa gitna. Meron ding couches para sa grupo sa isang panig ng glass wall na kita ang kalsada. May mahabang white and purple marble counter sa dulo na katapat ng bricked wall para sa mga hindi kumuha ng table for two o walang kasama. White and purple capiz lantern ang pang-ilaw sa buong first floor at iba pa ang glass chandelier na nasa high ceiling patagos sa tapat ng counter kung saan o-order.

Grand staircase pa ang paakyat sa second floor na naka-violet carpet ang wooden flooring. Left and right na pinakadulo ng kitchen ang hagdan. Pag-akyat namin sa second floor, halos maiyak ako kasi kung mukhang doll house ang ibaba, mukha namang romantic dating place ang itaas. White cloth na may purple linen at pinatungan ng flower vase na may white and dyed purple rose ang centerpiece.

Nasa dulo ng second floor ang manager's office kung saan ko nakausap si Erwin—na natatawa na lang sa akin dahil ang mama raw niya, si Inday Sita, nakilala na ako sa bahay ni Rico sa Manila.

Naiinis ako kay Rico. Kung puwede lang makipagpalit ng branch, ginawa ko na! 'Yon lang, hindi ako marunong mag-Bisaya kaya doon na lang talaga ako sa Pasay branch ko.

Buong June, ang usapan, imo-monitor namin ni Rico ang Cebu branch. Daily, naroon ako sa branch niya to supervise the manpower. Si Rico naman ang humahawak ng menu and inventory. Si Erwin ang humahawak sa management.

Ang sabi ko, magandang bakasyon sana. Kaso para lang akong pinalipat ng branch kasi buong araw din kaming nagtatrabaho.

Ang rest time lang talaga namin, pag-uwi na. Daily ang supervision, walang rest day. At masasabi kong succesful talaga—higit pa sa nagawa ko—ang branch ni Rico. Ipagyayabang ko na rin na may ambag ako sa branch niya as a supervisor. Na-feature pa kami sa dalawang travel blog at local news dahil sa first-month success ng Purple Plate Cebu. Happy ako bilang owner ng franchise, pero mas proud ako sa asawa ko. Tuwang-tuwa pa naman ako kapag nagbibisaya siya sa interview kahit wala akong naiintindihan. Feeling ko, ang high and mighty niya as a multilingual man.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon