36: Shoulder to Cry On

3.4K 230 38
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


ANG BILIS ng araw. Ni hindi ko naramdamang panibagong linggo na naman.

Aware naman akong mukha akong tangang nakatingin kay Rico habang nasa couch kami sa sala ng bahay niya sa P. Rodriguez. Nagba-budget kasi siya ng expenses ng wedding this coming Saturday. And I was there, nakabalagbag ng upo at nakadantay ang mga binti sa hita niya. May ginagawa rin dapat akong forecasting pero tinantanan ko muna at inawat na ang sariling huwag pasakitin ang ulo.

"Your wedding dress from your best friend cost five thousand pesos lang. That was a good price for a nice dress," sabi ni Rico habang binabasa ang copy paper na sinulatan niya ng mga gastos niya sa wedding plan. "I asked for Melanie's cake. Sabi niya, gift na lang niya sa 'yo ang wedding cake mo para hindi na raw siya magregalo ng appliances. I offered her a good amount pero tumanggi siya. She even offered her free service sa Purple Plate by Saturday. Mukhang hindi tayo mapapagastos sa reception."

Ewan ko ba pero ang weird talaga ng kanina pa binabanggit ni Rico.

"Rico, hindi ka naman nagkukuripot, 'no?" tanong ko kasi talagang halos ibigay na lang sa kanya lahat ng supposed-to-be gastusin dapat naming dalawa para sa kasal.

"Jaesie, I'm willing to pay," he said, and he glanced at me. "Sila lang ang ayaw magpabayad nang malaki."

My face winced at that. "Really, I was expecting na sobrang gastos mo. Hindi ka naman lumaki sa middle class family. Ang yaman n'yo. You even went to a prestigious school with expensive courses. Pero ang tipid mo, 'no?"

"I used to work in non-government organizations, Jaesie. Tight ang budget kadalasan every campaign, so dapat aware ka sa expenses at saan sila worth gastusin. Mabilis din akong maka-adapt sa environment. Hindi ako makakaipon ng sarili kong pera kung magastos ako."

Imbes na sumagot, lalo ko lang tinitigan si Rico. Ang weird na kahit ganyan siya, hindi siya sobrang hangin pagdating sa pera gaya nina Clark. Yes, he wore a plain light blue tee na fitted na nga halos kaya bakat na bakat ang hulma ng katawan niya. Tapos striped cotton pajamas lang ang ipinares. Hindi man lang siya nagsusuot ng silk robe or PJs na sobrang mamahalin. Ni hindi nga rin expensive brands ang pambahay niya at mabibili lang sa department store sa halagang sentimo lang para sa gaya niya.

Pero sobrang pinagpala talaga siya ng Panginoon kasi kahit iyan lang ang suot niya, ang lakas ng husband vibe niya.

And what did I hear about him for almost an hour?

Budgeting.

Have you ever heard of a man doing his assignments in front of you? He was doing accounting! He was doing math! Damn, I don't do math in my comfort zone. And he was the one handling all our documents!

Okay na ang marriage license application form naming personal pa niyang nilakad sa Civil Registry since pareho naman kaming taga-Pasay. Naka-stack na rin sa same folder ang certified birth certificates naming dalawa pati na ang proof of billing ng bahay niya rito sa P. Rodriguez. Naroon na rin ang cedula naming dalawa kasama ang photocopy ng valid IDs namin. Naka-attend na rin kami sa family planning seminar na mabilis lang namang natapos.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now