58. Beautiful Sunset

3.4K 221 37
                                    

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.


SINCE ROX wanted a little spice to our wedding photos, especially we didn't plan any theme for it, isa sa balak nila ay candid shots na naka-swimwear kami ni Rico. I said I'm a part-time model for Stephanie Myles Ybarramienda at sobrang nasorpresa ako kasi naka-work na niya sina Heaven at Rox before. Si Wynn lang kasi ang ka-close ko sa kanila, and I'm glad na accepted na agad ako (siguro) as a part ng barkada.

Buti na lang talaga at may nadala akong white swimsuit, aside sa red and pink. Hindi ako mamomroblema sa gustong shots ni Rox.

I wore a twisted bandeau for my top and a thin-stringed bottom. Ayoko sanang sabihing special day ko ngayon, pero paglabas ko talaga ng rest house after kong magbihis, talagang nakaabang silang lahat sa may cottage. Sina Leo at Calvin ang nagpe-prep ng equipments para sa photoshoot for Rox tapos nakalatag na naman ang malaking black box na makeup kit ni Heaven.

Hindi pa rin nawawala ang wave sa buhok ko mula pa kaninang tanghali kaya hindi ko alam kung kukulutin pa rin ako ni Heaven.

Napansin ko ang paghinto nina Calvin sa ginagawa habang sinusundan ako ng tingin papalapit sa kanila.

Nagbikini rin ako kahapon kaso suot ko ang damit ni Rico. Kinagabihan, nag-pambahay na ako. Ang ambisyosa ko naman kung sasabihin kong mga nakanganga sila. But I know those look—mga tinginan nila sa mga chick na gusto nilang "makausap" later. Sad to say, I'm no longer a "chick" pero puwede pa rin akong makausap later—literally.

Nagsuklay ako ng buhok gamit ang daliri habang sinasalubong ang hangin sa beach. Ang gusto ko lang dito sa ganitong mainit na panahon, hindi gaya sa city, hindi masakit sa balat ang araw kapag may hangin. Although amoy na amoy ang alat ng dagat, pero okay lang naman.

"Jaesie, puwede ka namang maglakad nang hindi naka-Tsunami Walk," bati ni Wynn paglapit ko sa kanila. "Sobra naman. Wala na ngang bilbil, beauty queen pa ang peg. Upo ka na rito! Nanggigigil ako sa 'yo!"

Tinawanan ko na lang siya nang yakagin niya ako papaupo sa Coleman na buhat-buhat kahapon ni Rico. Tinakpan lang nila ng puting bath towel para makaupo ako nang komportable.

"Hey, Dardenne, come here!" pagtawag ni Heaven. "Ikaw ang mag-decide para hindi ka puro reklamo."

Natawa na lang si Rico nang humarap sa akin. Hindi ko naiwasang mapangiti kasi topless na siya at naka-white pajama. Mukha siyang tumakas sa higaan para sa photoshoot namin. Nagkrus siya ng mga braso at payuko akong tiningnan habang nilalagyan ni Heaven ng clip ang buhok ko.

"Good job, Hev," sabi ni Rico.

"Wala pa 'kong ginagawa," sarcastic na sagot ni Heaven.

"Ay, wala pa ba?" Natawa nang mahina si Rico. "Akala ko tapos na. Ang ganda na kasi."

"Ronie!" tilian nina Wynn na nakapalibot sa akin.

"Ants! Aaaaants!"

"Fliiiirt!"

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant