The Wedding . . . Again

6.4K 208 57
                                    

PATRICK LAUCHENGCO



"Pat!"

"Ano? Why me?"

"Sige na! Ikaw na! Racer ka naman e, para mabilis!"

What the fuck? Gusto ko na silang sipain isa-isa. Of all people, ako pa talaga?

Nasa simbahan na kaming lahat, hinihintay na lang si Jaesie. Kung kailan nandito na saka pa eeksena itong kapatid ni Rico.

"Magpa-drive ka na lang kay Will!" I was shrugging my shoulder harshly kasi kanina pa sila nanunulak.

"Tara na! So arte mo naman!" Kahit anong tanggi ko talaga, masyadong kontrabida sa buhay 'tong si Sabrina. Para namang ang laking kawalan ng purse niya sa buhay.

"Aanhin mo naman ang pera, nasa simbahan naman tayo?" naiinis kong tanong kay Sab habang nasa biyahe na kami kasi ako na talaga ang nag-drive para sa kanya papuntang Dasma.

She was wearing a freaking gown, and she moved like she was just wearing a pants! Hindi ba siya nao-awkward-an na kilos siya nang kilos, naka-gown pa siya?

"That's my purse! My phone is there!" she yelled at me.

"Then how did you forget it if naroon pala, ha?"

"So ingay mo naman, Pat! Just drive na lang, puwede?"

"Just drive na lang, puwede?" I imitated her bratty voice. "Ang annoying ng boses mo."

Hindi joke ang layo ng Manila Cathedral sa Dasma, and I had no idea why Sab should have her purse kung nasa church naman kami.

Magpasalamat siya dahil hindi rush hour at puwede akong mag-drive hanggang 80 kundi iniwan ko na talaga siya kalsada.

10 a.m. ang start ng wedding at wala pa namang 9 a.m. Pero dahil inagahan nga naming magbabarkada sa simbahan dahil na rin sa wish ni Early Bird, e di inagahan namin nina Calvin.

Tapos ngayon, itong spoiled na kapatid niya, biglang eeksena dahil lang sa naiwang purse?

"Alam mo, marunong ka namang mag-drive, dapat ikaw na lang ang nagmaneho e. Kotse mo naman 'to," reklamo ko.

"We're here na sa Makati kaya! You know the fastest route e," katwiran niya kaya lalo akong na-bad trip.

Hindi naman por que mabilis akong magmaneho, ako na lang nang ako?

"E di sana, sa kuya mo na lang ikaw nagpahatid."

"Si Kuya kaya yung groom!"

"Ikaw naman ang kapatid niya! Kapatid ba kita, ha? Kapatid kita?"

"Ang bad talaga ng ugali mo."

"Ang bad talaga ng ugali mo. Napakaarte, nakakairita ka."

"Uhmp!" Ang sama agad ng tingin ko sa kanya kasi nanghampas pa talaga ng braso, kita na ngang nagda-drive ako.

"Inaano kita?"

"Isusumbong kita kay Kuya!"

"At bakit naman nasali rito ang kuya mo, ha?" tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa daan at sa kanya. "Alam mo, ikaw, kapag nalaman ng daddy mong pinapalo mo 'ko, ikaw ang isusumbong ko."

Manang-mana kay Tita Tess 'tong babaeng 'to. Napakamaldita na, sobrang spoiled pa. Siya na nga ang ipinagda-drive, ako pa hahampasin.

It was a good thing na may mga kalsada sa Makati na wala naman halos nagbabantay kaya puwede akong mag-exceed sa 80. Kung alam ko lang na eeksena itong si Sab, sana nagpa-late na lang ako. Isa pa ang kuya niyang ang daming request sa buhay. Akala naman first time ikakasal e kasal naman na sila ni Jaesie.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now