12. Hatred

4.1K 243 150
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I REALLY thought Rico would end my night in a bad mood, but I was wrong.

Patulog na nga sana ako, nakahiga na ako sa kama, nagkukumot na lang, nang biglang tumawag si Myles.

"Jaesie! Tulog ka na? Huwag ka munang matulog, may sasabihin ako!"

Myles would always be the best friend I never wanted but always kept. Parang kanta na nasa playlist mo na gusto mo naman dati pero sobrang bihira mo na lang pakinggan ngayon. Parang libro sa bookshelf na binili mo kasi excited kang mabasa noon pero hindi mo na gustong basahin ngayon.

Cliché na nga para sa iba ang nangyari sa amin. Yung gusto ko, gusto siya. Kaya ang ending, naging silang dalawa. I let that happen. I approved that. I already blamed myself for losing Arthas, and I didn't want to blame Myles for having him kung umpisa pa lang, ako na ang naglapit sa kanilang dalawa kaya naging sila.

"Hi, Myles. What's up?" I stared at the ceiling, trying to hide my boredom.

"Nakakainis siya, Jaesie!" maarte niyang sinabi.

Kapag ganito ang reaction niya, alam ko nang may ginawa na namang magic si Arthas para magkabati ulit sila.

"Why? What happened?" I asked, as innocently as I could kahit na may idea na ako kung ano ang ikukuwento niya.

"Naglagay siya ng rose garden sa front yard ko! Oh, my gee!" At kinikilig talaga siya base sa tono niya. Well, kung ako rin ang nasa kalagayan niya, kikiligin din naman ako.

The man you love has created a garden for you. Unfortunately, when Art could give Myles the whole garden, the only thing I got was a single stem and a hopeless smile.

"Wow. Iba talaga si Art," sabi ko sa pinaka-bored kong tono. "So, bati na kayo?"

"Oo. Hindi ko siya matiis. Binigyan pa niya ako ng blue bear! E, favorite color ko ang blue, di ba? Tapos alam mo, nagluto siya for me. Kahit medyo sunog ang fried egg niya, puwede na, kasi nag-effort talaga siyang magluto. Saka alam mo, nag-play siya ng piano! Ang galing pala niyang tumugtog n'on? Ngayon ko lang nalaman! Alam mo ba 'yon?"

"Talaga?" painosente kong tanong. "I didn't know that. Ano ang piyesa?"

"Hindi ko alam, e. Basta maganda!"

Gusto kong sabihin ang title na bukod-tanging alam ni Arthas kaso mas mabuting huwag na. Hindi na rin naman kasi importante kung malaman niya ang title n'on kahit na ako lang naman ang bukod-tanging nagturo kay Arthas kung paano tugtugin. Nanghihinayang kasi ako sa piano organ nito sa bahay na gift pa naman ni Uncle Ernest sa kanya.

"Bestie, hindi ko pala siya kayang mawala sa buhay ko," seryoso at sincere niyang sinabi. "Si Art lang talaga ang lalaking nakatiis sa masamang ugali ko. Ibang level siya. Imagine, sa kamalditahan kong 'to, nandiyan pa rin."

"Yeah."

"Kahit na ganito ako, tanggap niya 'ko nang buong-buo. Hindi niya 'ko iniiwan kahit na paulit-ulit kong bine-break saka pinalalayas. Alam mo, best, hindi na talaga 'ko makakahanap ng gaya niya. Siya lang ang nag-effort sa 'kin nang ganito kabongga."

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon