54. Mad Wife

3.8K 231 32
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I LEFT Rico inside this not-so-huge stall as the rest house's bathroom from the outside. Walang toilet bowl kaya sure na akong ginagamit 'yon ng mga naliligo sa pool kapag magbabanlaw or something.

May balde at tabo naman doon. Sinabi kong magbanlaw muna si Rico para pagbalik ko pagkakuha ng damit, magbibihis na lang siya. Separated ang bathroom ng boys and girls. Ang kaso, single stall lang. Talagang maghihintay sa labas ang susunod na gagamit.

Walang tao sa room ng boys, mga nagpa-party pa kasi sa labas. Pasado alas-nuwebe na at ilang minuto na lang, pupulisin na sila ng mga caretaker na patayin ang speaker sa labas. Not sure kung sino pa ang hindi lasing. Yung lesbo couple lang ang hindi ko nakita sa pool area, so i-a-assume ko nang may sarili silang magandang gabi somewhere else.

Kamukha lang ng room namin ang boy's room. White painted walls and four double beds. Kahit magtabi-tabi sila sa double bed, hindi nila ma-o-occupy ang apat.

I found Rico's blue suitcase sa sulok na katabi ng side table sa dulo ng kuwarto. Siya lang talaga ang naka-suitcase. Puro na kasi naka-backpack ang iba.

Ayoko talagang buksan ang maleta niya kasi baka talagang nagdala siya ng plushie, hindi ko alam kung paano ko ibabalik 'yon kung sakali.

Ayoko namang i-judge ang pagiging childish ni Rico, pero nasa impression ko na kasi ngayon na posible ngang magdala siya ng laruan.

Ang lalim ng hugot ko ng hangin habang dahan-dahang binubuksan ang zipper ng maleta niya. Gusto ko nang magmadali kaso baka kasi biglang may sumambulat or what, mabigla ako.

Nang wala namang sumabog, saka ko lang inangat ang isang panel.

"God, ito lang pala." Nakahinga ako nang maluwag nang makitang . . . ha? Bakit siya nagdala ng formal suit? Kinalkal ko pa. Nanlaki ang mga mata ko kasi may dala siyang wedding dress! Kaya pala puno ang maleta! Ang laki ng lace part ng dress, talagang sasakupin nito ang buong suitcase niya!

As much as I wanted to know the reason, I really needed to get back to Rico dahil kapag nakita siya roon nina Calvin, baka tangayin na naman siya sa labas para painumin. Sira-ulo pa naman ang barkada niya.

Kumuha na lang ako ng white tee, boxers, at shorts saka bath towel bago tangayin 'yon pabalik sa shower area na isang liko lang sa kaliwang dulo nitong hallway.

Natuwa naman ako dahil walang nakapila sa labas. Nakapasok ako sa stall nang hindi nag-aalala.

Hindi ganoon kalaki ang shower area. Pagbukas ng pinto, naroon ang gripo, ang balde saka tabo. May square mirror sa ibabaw ng sink na bahagya lang iniwas sa pinto. Isang abutan lang ang sink sa maliit na upuang parang upuan ng bata na may sandalan. Doon nakaupo si Rico at nangangalumbaba habang nakapikit.

Isinara ko ang pinto at napansin kong sira pala ang lock. Naila-lock naman pero hindi 'yon maayos sa hamba kaya napapikit na lang ako dahil sa inis. May ire-report ako sa facilities later.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now