10. Unexpected Visitor

4K 211 50
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


RICO AND I already had an agreement. Yung mas malinaw nang agreement sa paningin ko. And surprisingly, ang daming sakop ng agreement naming dalawa na hindi ko talaga inaasahan.

The afternoon sun was giving a good shine to the road, and I must say, kahit na hindi naging maganda ang morning ko, the rest of the day was good.

Melanie was handling the legalities since hindi ko sakop 'yon. She was coordinating with the lawyer, and Shiela with the accountant para masimulan na ang franchising part na deal namin ni Rico. She said we should wait at least a week for the explanation ng contract and si Mel na ang bahala for the application as a franchisor. Matagal-tagal ang magiging process nito since maraming aasikasuhing legal papers, lalo na sa application ng taxes and permits, kaya we really should take our time. Iaasa ko na lang sa kanila ang legal part since more of slight accounting, management, and production talaga ang ginagawa ko.

At dahil si Melanie ang humahawak sa legal aspects ng deal namin ni Rico, wala akong magagawa kundi mag-manage ng Purple Plate for today. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon habang kasama ko si Rico na inilaan pala ang buong Monday niya para mag-stay sa café.

"This is my favorite place on Earth," I said while walking towards the blank table na may mga naiwan pang baso at ilang utensils na ginamit ng previous customer. Tulak-tulak ni Rico ang isang metal trolley na lalagyan ng mga cart at lalagyan din ng mga iba-bus out nang gamit. "Maybe, if there's something na puwedeng pagselosan sina Clark, malamang Purple Plate 'yon when it comes to my attention. Nandito kasi ako whole day."

"And you haven't touched your phone since we arrived," he said, giving me his cute smile.

I shrugged and laughed a bit. He was right. Hindi ko talaga hinahawakan ang phone ko kapag working ako kasi distraction.

"Committed ako sa work," sagot ko na lang sa kanya.

"I can see that."

Paghinto namin sa table, imbes na ako ang kumuha ng mga baso at spoon doon, siya na ang isa-isang nagsalansan at maingat na inilagay sa cart. Kinuha na rin niya ang nakasampay na yellow cloth sa trolley at siya na rin ang nagpunas sa wooden table.

"You know what, kapag nakita ka ng daddy mo rito na naglilinis ng table, malamang sa malamang, pagagalitan ako n'on," natatawang sinabi ko, nakakrus ang mga braso at pinanonood siya.

"In case lang na hindi ka aware, may National Certificate ako sa Food and Beverage Services. Mula sa business management, sa sanitary inspection, food analysis, hanggang sa pagma-mop ng sahig, kabisado ko. My father is aware of what I'm doing in my life. Hindi ka niya pagagalitan sa alam na niya." He winked at me and continued cleaning the table, and he definitely knew what he was doing.

Oh, my God. I couldn't believe Rico is this . . . great? I didn't know what to say! Maliban kasi sa anak siya ng bilyonaryo, ang alam ko lang, barkada sila ng mga babaero. When it comes to business o mga career nila, wala talaga akong clear na idea maliban sa mga naitsismis na sa akin.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now