27. The Minor Fall and the Major Lift

4.2K 215 39
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I TRIED to consider Rico after everything. Naisip ko rin, hindi naman siguro siya gagastos ng eighty million para lang sa pustahan, kasi tingin ko, hindi kayang maglabas nang ganoon kalaki nina Clark para lang pumusta.

Maybe he was serious, maybe not. But Rico didn't look like he was joking or that he was just doing all of these things dahil lang pumusta siya na makukuha niya ako over his barkada. Ano lang ba ako? Sino lang ba ako?

Ayoko ring sabihing dismayado ako kay Rico, but he really knew his limitations. Sa daming beses na nakasama ko siya, ni minsan sa mga pagkakataong 'yon ay hindi siya lumampas nang higit pa sa halik. He touched my body sensually once, noong nakainom ako at ako pa ang nag-initiate, pero hindi na ulit nangyari. Kahit nga noong sa fashion show na nahuli kami sa iisang stall, wala. And I had no plan to ask him kung bakit ayaw niyang palampasin doon. Feeling ko kasi, ang desperada kung itatanong ko.

My body automatically woke up before five. And I was expecting him to be sleeping beside me after I opened my eyes, yet my expectations knew how to fail me.

Madilim pa pagsilip ko sa glass wall ng second floor. Pagbaba ko, naabutan ko na siyang nagluluto ng almusal.

"Maaga ka ba laging nagigising?" tanong ko imbes na bumati ng good morning. Naglakad ako papalapit sa kitchen counter kung saan siya nag-aasikaso.

Tiningnan ko ang lahat ng nakahain sa counter, mukhang naghahanda pa lang siya. Nakaipon sa malaking plato ang lahat ng hiniwa niyang sahog.

"Chao fan?" tanong ko base sa mga naroong hiniwa nang ingredients niya.

"Good morning," pagbati niya na sinadya kong hindi sabihin pagkakita sa kanya.

Sinilip ko ang seryoso niyang mukha. Unang beses kong makitang nagluluto siya ng hindi instant food sa sarili niyang bahay. "I liked your mac and cheese last night."

"And I want my breakfast full today," he replied. "Wala akong maibigay na damit sa 'yo, sorry about that," he said, cocking his head at the second floor. "Puwede kang tumingin sa closet kung kailangan mo ng damit."

"You're gonna let me?"

"Why not?" At saka lang niya ako tiningnan nang mahinto siya sa paghihiwa ng ham.

"Hindi ako sanay na hindi babaero ang lalaking kasama ko," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Maybe I'm not like my peers, but I had my own skeletons inside my closet, Jae."

Napangisi akong bigla roon at nailipat ang tingin sa labi niya. "If I look for clothes, am I able to see those skeletons inside your closet, Mr. Dardenne?"

"If I had ladies' clothes inside my closet, lucky you, hindi mo na kailangang umuwi, may maisusuot ka na."

I laughed so hard because of that. Nahihiwagaan tuloy ako kung bakit single si Rico kahit na ang daming nakapaligid sa kanyang babae. Sinasabi naman nilang mahilig siyang mang-reject ng chick pero hindi ko kasi alam kung bakit.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now