22: The Marriage Proposal

3.8K 234 23
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I NEVER, ever, ever wanted to see myself trapped in a situation like that! Ever in my life! I was half-naked, and then all of those people around us saw us like that!

What the hell?

I don't like this feeling kasi kanina pa tawa nang tawa ang grupo nina Myles dahil sa nangyari sa backstage. Wala silang ibang pinagtatawanan kundi ako lang naman. At mabuti sana kung sila ang tipo ng bully na ipapahiya ka sa madla, kaso hindi! Ipapahiya ka nila sa sarili mo. Mas maingay pa yata sila sa music sa loob ng club kung nasaan kami.

"Si Sir Ronie pala ang ka-partner ni Miss Jae!" Nandiyan na naman ang mga baklang alagad ni Myles na kanina pa ako natutulig sa katitili. "Oh, my God! So kileeeeg!"

"Sir Ronie?" tanong ko dahil hindi ko alam na Ronie ang tawag nila kay Rico.

"Sir Ronie Dardenne is one of the sponsors of the show, Miss Jae," paliwanag ni Terry, isa sa mga PA ni Myles. "Sister niya si Sabrina Dardenne, isa sa mga designer sa show. And I couldn't believe na sumali pala siya as mow-duhl for her sister's clothing line! Kakalerkey itechiwa! Bet na bet ang pandesal ni Papa! Uhm! Yummyness overload to the highest level, pakak na pakak!"

"TOMOH!" chorus pa silang lahat sabay halakhak.

Oh ,my gosh. I think I'm in the wrong neighborhood.

"So, isa pala sa mga sponsor ang sumira ng cubicle ko," nakangising sinabi ni Myles sabay abot sa akin ng martini. "Hindi ko ine-expect na Dardenne pala 'yon."

"Puwedeng kalimutan na lang muna natin ang nangyari?" alanganing pakiusap ko sa kanila.

"No!" sabay-sabay nilang sagot na ikinaatras ko sa upuan.

Napa-face palm na lang ako sa kanila. Ang sakit nila sa ulo, nakakainis.

Napadako tuloy ang tingin ko kay Arthas na kanina pa walang imik sa tabi ko. Sa paikot na couch kung nasaan kami nakapuwesto, siya lang ang mukhang out of place at kanina pa naka-focus sa phone. Gusto ko sanang isipin na may iba siyang kausap, pero base sa hilatsa ng mukha niya, kahit ang nasa screen ng phone niya, halatang hindi rin nakakatuwa.

Well, mahirap naman talagang umimik kung puro maiingay na bading ang nasa paligid, lalo kapag may sarili na silang language na ginagamit at hindi mo na maintindihan.

"Art, are you okay?" I asked, maiba lang ng kausap. He nodded and shrugged. Kahit pagsasalita, tinamad na rin yata siya. I just sighed and forced a smile. "Sorry about the noise."

"It's fine. Don't be sorry."

He was not happy, and I didn't know the exact reason why. I didn't want to ask him because Myles wouldn't like it. Basta, ang sigurado lang ako, ito ang dahilan kaya ayaw sumama ni Arthas sa bawat show ng girlfriend niya.

Ayokong i-entertain si Arthas sa ngayon kahit na mukha siyang may problema. Myles should be the one asking him what was wrong kaya sana makaramdam naman itong best friend kong pinababayaan na ang boyfriend niyang halatang hindi okay sa paligid namin.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now