61. Jealousy

3.4K 195 23
                                    

Aside from volleyball on a flat court, beach volleyball is my favorite sport, and I enjoy playing it kapag may beach outing akong nasasamahan. And most of the time, I played to show off my sporty side since I was a part of the volleyball team noong high school days ko. Nadala ko naman hanggang college, but I couldn't manage to fulfill so many commitments at that time. I chose my social life over sports na kailangan talagang committed ako sa practice. Of course, Arthas is life ako dati kaya isa siya sa malaking rason kaya ayokong mag-apply sa varsity team noong college.

Hindi naman sa gusto kong yabangan si Rico kasi first time ko lang siyang makakalaro sa beach volleyball, but somehow, I was thrilled by the thought of it. There was something creeping at the back of my mind, saying isang achievement ang ilampaso siya habang kalaban ko ang mga babaeng pulos bihasa sa laro namin.

Nagtalo pa kami kung saan ako pupuwesto, yet ang ending, napunta ako as libero ng team 'ko.' Wala namang kaso sa akin maging back-row specialist, pero iba pa rin kapag front-row blocker saka hitter.

I didn't want to underestimate the Alabang Boys, pero kung ako ang papipiliin ng positions nila, mas dapat na blocker sina Patrick at Leo. Pabida kasi masyado sina Will at Clark, nakakainis tuloy kausap.

"Heads or tail?" tanong ni Rico habang may ipinaiikot sa daliring barya.

"Tail," sagot ni Clark bago pa kami maka-react.

"G!" Pinalipad ni Rico sa ere ang barya at sinalo saka ipinatong sa ibabaw ng nakakuyom niyang kamao. Pag-alis niya ng kamay, "Heads. Kami ang unang service."

Natuwa naman ako na walang nanghinayang kung kanino ang unang service. Naisip ko nga na mukhang seseryosohin talaga nila itong laban kasi wala akong naririnig na kantiyawan.

Para sa 100 pesos, mukha na silang tumaya ng isang milyon kung hindi magkibuan nang normal.

Katabi ko sa likuran sina Patrick at Leo. Nasa harapan ang tatlong mayayabang. Sa kabilang side ng net, si Rico ang blocker nila, which wasn't really a surprise. Hindi dapat siya tinatapatan ni Clark. Si Leo o si Patrick talaga ang magandang iharap sa kanya.

"Game!" sigaw ni Ivory na nagsilbing referee namin at taga-score. Best of 15 lang daw sabi nina Wynn. Isang game lang total palalim na rin naman ang gabi.

Si Tammi ang unang nag-serve, at ang sarap magmura kasi first serve pa lang niya, biglang—

"WHOAH! EASY!" sigaw agad ni Leo kasi sa kanya pinatama kaso hindi niya na-hit agad.

I mean, in my viewpoint, mukha kasing naka-position si Tammi to hit Calvin, however, itong huli, alam yatang lalampas sa kanya kaya inilagan lang ang bola.

Napakagaling. Inilagan ang bola. Sobrang galing.

"Leopold!" reklamo nina Calvin sa kanya.

"Akala ko kay Calvin!" sagot niya agad.

Ayokong sisihin si Leo. Aware ako sa fault ng mga kasama ko. Nakatutok lang ako sa kabilang team na mukhang easy-easy lang sa part nila. Si Rico, ang inaasahan ko, magpapakita ang evil grin. But there really was something unusual sa straight face niya—mga facial expression niyang bihira ko lang makita unless I was doing something stupid and he was just waiting for me to face my unfortunate resolution para makita ko ang point niya.

And if his point was preventing me from playing, hindi ba masyadong overacting na pigilan niya ako? It was just a game anyway.

Again, Tammi was serving the ball when the boys became attentive to where it was heading. Feeling ko, naging wake-up call ang unang service. Alanganing target sina Will at Patrick. But Will got the ball at natamaan niya. The trajectory was enough to set the ball in the air, and that was when Patrick hit it from there hanggang sa wala nang nakasalo n'on sa sobrang bilis ng pagtahak ng bola sa buhangin.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora