Chapter 11: Floating Island

297 19 0
                                    

Chapter 11

Floating Island

"ASH," dahan dahan, napadilat si Ashyra. Bumungad sakanya si Raiden na siyang ginigising na pala siya.

Bumangon naman si Ashyra at tumingin sa paligid. Nasa dorm room siya ni Marine. Paanong parang totoong totoo ang panaginip nayun para kay Ashyra? Bakit parang nangyari talaga yun?

"Raiden! Look outside!" Suddenly, Marine shouted.

Sabay namang napatingin sila Ashyra at Raiden dito. Mayroon itong tinuturo mula sa labas.

Lumapit si Raiden tsaka tinignan din ang nasa baba ng building. Mula sa kinatatayuan niya, nakikita nila ang nangyayari sa ibaba.

Mayroong grupong nakikipaglaban sa mga halimaw, sa tingin ni Raiden, isa lang sa mga kasama ng mga ito ang nakapag-awakened. Nasa lima din ang grupong ito, apat na lalake at isang babae.

"What are they planning to do?" Bigla ay sumingit si Ashyra sa tabi ni Raiden. Pinapanood din ang grupo sa ibaba.

Nag masid naman si Raiden at tinignan ang pinaplano ng grupo, "Canteen" maikling sagot niya ng makitang papunta ang grupong ito sa pwesto kung nasaan ang canteen.

"Oh, my, Raiden, bababa din ba tayo and fight those dirty monsters?" Maarteng sabi ni Marine.

"No, only me is enough" sagot ni Raiden dito ngunit mabilis namang umangal si Ashyra.

"I can fight, napakadelikadong mag-isa kalang. We are not even sure if you can control your awakened power" Ashyra said.

Humarap si Raiden dito, "Don't worry, I know how to fight tsaka napakadelikado kung sasama pa kita" sagot niya kay Ashyra.

Huminga ng malalim si Ashyra at seryosong tinignan si Raiden, "I'm not weak, mas lalong hindi ako maarte. I can fight three to five zombies. Maybe I can even assist you"

Nagtitigan ang dalawa, naglalabanan gamit ang tingin ngunit mukhang nagpatalo kaagad si Raiden.

"Okey. I also need you to guide me to where Amora hides" sagot ni Raiden tsaka hindi na sila nagsalita pa.

Sabay nilang ibinalik ang paningin sa grupong nasa ibaba. Ang awakened na nasa grupo ay isang Fire user. Mukhang may isa ng skill ang awakener na yun dahil kaya na nitong gumawa ng low-grade fireball.

Mukhang magagaling ang mga lalake sa grupo dahil mabibilis at alerto ang mga ito. Maganda din ang teamwork nila kaya mukhang madali lang nilang madaanan ang lugar papunta sa canteen.

"Don't we plan to join them? May awakener din sa grupo nila, diba mas magandang sumama tayo sa mas may pakinabang na mga tao?" Bigla ay nagsalita si Marine.

Umiling naman kaagad si Raiden, "No, We can't. Kung madami tayo, there's a possibility na mas madami din ang zombies na makakapansin saatin. Kahit na mahihina ang mga zombie na ito, mabibilis naman at mukhang matalas din ang pandinig"

"Really? But that guy has firepower, diba mas safe kung may mas madami tayong kasamang awakeners?" Nguso ni Marine tsaka nakakunot noong pinapanood ang grupo sa baba.

Now that Marine said it, suddenly Ashyra remember what happened yesterday night. Bumalik din sa isip niya ang katanungan kung bakit hindi siya nakapag-awakened?

Diba parte ng element earth ang plants? Bakit hindi siya nag-awakened ng earth element?

Ayaw isipin ni Ashyra na hindi siya makapag-awakened dahil siguradong sigurado siyang nagkaroon siya ng kapangyarihan habang nasa ibang mundong yun. 'Nasaan nga ba si green?'

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now