Chapter 53: Finally, City M

214 23 3
                                    

Chapter 53

Finally, City M

"SISTER Ash!" Pagkalingon na pagkalingon ni Ashyra, isang mainit na yakap ang kaagad na natanggap niya.

"Chantrea!" Tuwang tuwa din naman si Ashyra nang mayakap ang kapatid.

Mahirap maintindihan ang nararamdaman ngayon ni Ashyra dahil ibang iba ang pakiramdam na ito sa pakiramdam na nararanasan niya sa kakaibang hinaharap na mundong yun.

Hindi inakala ni Ashyra na makikita at makakasama niya ang isa sa pamilya.

Sa mundong yun, palaging tinatanong ni Ashyra kung sino at saan siya nanggaling. Hindi niya akalaing sa mundong ito, hindi talaga siya makikipaglaban nang mag-isa.

"Cha, you're okay, right?" Ashyra asks her sister.

Hiniwalay pa ni Ashyra ang kapatid upang tignan ang mukha at itsura nito. Ngunit ang nakita niya ay ang umiiyak na mukha ni Chantrea.

"Ate Ash, alalang alala ako sayo. Alam mo ba ang dinanas ko dito? They bullied me, ginamit nila ako para sa kapakanan nila!" parang batang umatungal si Chantrea. May paturo turo pa ito sa mga taong nasa sa likod niya.

Napakunot naman ang noo ni Ashyra sa nadinig at seryosong tumingin sa mga taong yun.

May makikitang gulat sa mukha nang mga taong yun. Mukhang hindi inaasahan ang inakto ni Chantrea. Ang pagkakakilala naman kasi nila sa maliit na babae ay masungit ito sa kahit ano at palaging hindi sumusunod sakanila. Lalo na sa leader kuno nilang si Cade.

"What did you do to my sister", Ashyra's looked at those guys seriously.

Napahinto naman ang mga taong yun.

Pati si Raiden na nasa tabi ay napa seryoso din bago lumapit kay Ashyra.

"Raiden?" bigla ay mukhang may nakakilala kay Raiden at yun ay si Mark.

Mukhang hindi pa ito makapaniwala sa nakita dahil itinuro niya pa si Raiden.

"You are?" mukhang hindi nakilala ni Raiden ang lalakeng tumuro sakanya.

Si Chantrea naman na hindi kilala ang lalakeng lumapit ay hindi napigilang umakto pa nang sobra. Totoo namang naghirap siya sa loob ng grupo ni Cade lalo na nang dumating ang grupo nitong si Mark. Wala naman siyang ginawa sa grupo kundi ang manggamot at ayos lang naman yun kay Chantrea ngunit may oras talagang pinapakialaman siya nila Cade at ng iba niyang kasama para gamutin ang mga taong kilala at may pera sa city na ito. At dahil nga ayaw ni Chantrea na may gumagamit sakanya. Nainis na siya sa pinag gagawa ng mga kasama.

Sumobra pa nga ang mga taong lmapit sakanya na may pera at may kunektado dahil sa grupo ni Mark. Nanggaling sa mayaman na pamilya ang mga kasama ni Mark. Ginawa pang pakikipagkilala ang nangyayari sa bansa at mundo ng mga negusyante at may mga perang tao. Syempre naiinis na si Chantrea sa pinag gagawa nila.

Buti na nga lang at mahalaga ang awakened niya dahil hindi magawa nila Mark at Cade na saktan siya at buti nalang talagang kasama niya si Lynx na siyang naging taga pagtanggul niya pero dahil hindi pa nga humuhupa ang inis ni Chantrea sa grupo ni Mark at Cade...

"Him! Pinilit niya akong magtrabaho. Kagabe nga ay pumunta siya sa kwarto ko para lang sabihing magtrabaho ako" itinuro ni Chantrea ang lalakeng nakatayo doon na si Cade. "Tsaka siya," itinuro ni Chantrea si Mark. "Nang dahil sakanya hindi na ako nakakain nang maayos. His team also suddenly appears here pagkatapos sinimulan nila akong utos utusan. They use me like a slave" umiiyak na sabi ni Chantrea.

Si Ashyra na kaagad nakaramdam nang sobrang inis at galit ay nakahinga nang malalim.

"Raiden, Kasper" tawag ni Ashyra sa dalawang alam niyang mas malakas sa grupo niya.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now