Chapter 19: Boyfriend

289 22 3
                                    

Chapter 19

Boyfriend

"EH?!" Sigaw ni Amora at makikita din sa reaksyon ni Luna na siyang bahagyang nabahidan din ng gulat.

Ganoon nadin ang iba pang mga kasama. Maliban lang ata kay Raiden na siyang seryosong nakatingin kay Ashyra.

"Hey! Gusto mo bang magsabi ng kalukohan?!" Galit na sigaw ni Marine na siyang lumapit pa kay Ashyra.

Bago pa man gumawa ng bagay si Marine na siyang masisimulan ng malaking away, pinigilan na siya ni Raiden.

"Stop it, Marine" humarang si Raiden kay Marine.

Parang hindi naman makapaniwalang tumingin si Marine dito, "How can you let her make fun of your name? Raiden, she just use your name and told you're her boyfriend" galit na sabi ni Marine.

"Stop," umiling si Raiden at ipagpapatuloy pa sana ang sasabihin ng magsalita naman si Evanna.

"You can't let her ruin your name, Raiden" sabi ni Evanna tsaka masamang tumingin kay Ashyra. Hindi naman yun pinansin ni Ashyra, "I didn't expect na ganitong klaseng tao ka pala" dis-gustong sabi niya pa.

Hindi nagsalita si Ashyra. Unang tingin niya palang kay Evanna, alam niya na kung anong klaseng tao ito. Evanna can act like a good person na para bang mabait siya sa harap ng mga tao pero ang totoong binabalak nito ay naka tago.

Hindi man magkatulad si Evanna at Marine, magkatulad naman itong matigas at hindi nahihiya. Kung si Marine ay deretso agad na nagsasalita, hindi namamalayan ang nasabing mali. Si Evanna naman ay maayos mag-salita ngunit nakatago sa mga salita niya ang totoong sinasabi.

Simula ng umakto si Evanna na ipinapadala ang isa bang sariling bag kay Raiden, Hanggang sa ipinapakita nitong reaksyon habang tinitingnan si Ashyra kagabe ng sinabi nito ang tungkol sa hindi makapag-awakened. Alam na ni Ashyra kung anong nakatago sa mga salita ng babae. Alam niya na naman kung anong klaseng tao si Evanna, kaya't alam niya na din kung anong iniisip nito.

"No, It's true. I'm dating her" mabilis ang pagkakasabi ni Raiden, mukhang naiinis sa biglaang sinabi ng dalawang babae.

"Huh?" Bigla ay tanong ng iba.

"Huh?!" Si Amora ang siyang may malakas na boses. Tinignan tuloy siya ng masama ni Raiden, "Oh, sorry"

"Seriously? When?" Mabilis naka gets over si Luna kaya siya ang nagtanong.

"Oo nga, when the both of you ended up? Ash, why didn't you tell me this?" Excited na tanong ni Amora.

"We just get yesterday" sagot naman ni Ashyra.

"No! I won't believe you! Nagkakilala lang kayo noong nakaraang araw how can you be together so fast?!" Sabi ni Marine na siyang hindi makapaniwala.

"Ah, we just talk and answer" sagot naman ni Ashyra. Hindi maintindihan ang sinasabi ni Marine.

Totoong mabilis ang nangyari pero nag-usap naman ng maayos sila Raiden at mukhang wala namang problema doon?

Mukha namang na-realize ni Amora ang ginawa ni Ashyra, ang excited niyang reaksyon ay napalitan ng seryoso.

"Ash, hindi lang ganun ang pagrerelasyon, it's not only about talking and answering, even the both of you has known what the other person like or doesn't like, it's not only about that, you need feelings. I mean not only like or crush, as in love. Saan ka ba natotoo ng ganito? I want to confront that person for teaching you like this" paliwanag pa ni Amora na talagang hindi din makapaniwala.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora