Chapter 112: Fighting Two

103 11 0
                                    

Chapter 112

Fighting Two

DAHAN dahan na naglakad sila Raiden at Kasper papasok sa tahimik, magulo at malawak na mall.

"There", Itinuro ni Kasper ang nadidinig na pinanggalingan ng orange zombie.

Naglakad ang dalawa papalapit sa escalator ng mall.

"Get ready" Paalala naman ni Raiden dahil naramdaman na nito ang atensyon ng kalaban nila.

Sakto namang dumating ang orange level zombie na siyang naglalakad sa gusaling semento. Nang makita sila Raiden, kaagad itong tumalon sakanila.

"I can fight this alone", Ipinaalam ni Raiden ang gusto niyang mangyari kay Kasper.

Naramdaman ng lalake na isang orange level 6 lng ang zombie na ito kaya nakakasigurado siyang kaya niya itong kalabanin kahit na isa lamang siyang orange level 1.

Buti nalang at madaming experience si Raiden sa pakikipaglaban kaya naniniwala siyang kaya niyang kalabanin ng mag-isa ang zombie.

Gusto din sana ni Kasper ang tumulong ngunit sinabi na ni Raiden ang gusto nito kaya nagdalawang isip siya kung babalik ba siya sa labas upang tulungan nalang sila Ashyra ngunit naalala niyang sinabi ni Trey na dalawang nilalang ang nasa mall na ito dahilan napapuwesto nalang siya sa gilid.

Naghihintay at nagbabantay sa posibleng atake ng ikalawang nilalang sa loob ng mall na ito.

"Tsaaaakkk" Isang malakas na ingay ng kidlat ang makikita habang nakikipaglaban si Raiden sa zombie.

Napakunot noo pa si Raiden dahil narealize niyang ibang iba ang zombie na ito sa zombie na nakalaban niya sa City M. Mabilis ito ngunit ang bilis nito ay nakakainis dahil para siyang nilalaro nito. Buti nalang at nakakasabay din ang bilis ni Raiden dahilan kahit papaano ay nakakabawi siya sa kalaban.

Umatake si Raiden gamit ng kidlat at tinamaan naman ang kalaban dito. Kahit hindi masyadong kitang naaapektuhan ang orange zombie sa atake ni Raiden, napansin niya pading nasugatan ito dahilan naniniwala siyang effective ang kidlat niya sa kalaban.

Madami pa naman ang nagiging immune sa isang atake kapag nasobrahan na ang natatanggap nitong atake.

"Traaaakss" Muling tumama ang kidlat ni Raiden sa likod ng kalaban.

Napansin niyang humina kaagad ang galaw ng orang zombie. Mas lalo lang naniwala si Raiden na mas mahina ang orange zombie sa ito kesa sa orange zombie na nakalaban niya sa City M.

"Bolt" Bigla ay naging mabilis ang galaw ni Raiden. Ang kumikidlat nitong kamay na nakahawak sa isang danger ay sumaksak sa gilid ng kalaban.

Naging mabilis si Raiden dahilan nakalapit ito sa kalaban at nasaksak niya ito.

"Graaakk!" Napainda naman ang zombie dahil ang atake ni Raiden ay nasa inner body nito at hindi sa labas nito.

Nang sumaksak ang dagger ni Raiden sa zombie, kasama ang kidlat, naapektuhan ang kaloob looban nito.

Kaagad na lumayo si Raiden sa kalaban upang hindi siya maapektuhan sa pagwawala ng zombie.

Seryosong pinanood ni Raiden ang orange zombie na siyang nagsisigaw dahil sa nararamdaman nitong sakit.

Mapapahinga na sana ng maluwag si Raiden dahil mukhang magiging madali lang sakanyang kalabanin ang zombie na ito ngunit bigla nalang siya nakaramdam ng killing intent sa paligid.

Kinabahan si Raiden dahil naiintindihan niyang hindi lang basta basta ang killing intent na ito. Sa pagbabase niya, ang pinanggalingan ng killing intent ay isang orange level 9 na siyang sigurado si Raiden na hindi niya kakayaning kalabanin ng mag-isa.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now