Chapter 123: Disaster End

95 8 0
                                    

Chapter 123

Disaster End

PAGKABILANG nayun, kaagad na nagsilabasan ang mga halimaw sa tunnel at kaagad namang sumalubong si Raiden ng atake.

"Waah! They are here!", nagulat pa si Trey dahil sa sobrang dami ng lumabas sa madilim na tunnel.

Ngunit naka-focus lang sila Ashyra at Riden.

Nagsimula silang gumalaw. Ang dagger ni Raiden ay mayroong nakahalong likido galing sa dahon na gawa ni Kasper ngunit pang emergency lang ang dagger na ito, delikado pading makipaglaban siya nang malapitan sa mga zombies dahilan tanging pag gamit nalamang ng awakened ng malayo sa kalaban ang magagawa niya.

Habang si Ashyra naman ay naka-focus lang sa harapan habang ginagamit na sandata ang latigong hawak pero ang totoong pinagtuonan nito ay ang pagdami at pagliit ng mga lumalapit sakanya.

Kailangan niya talagang saktuhin kung kailan sesenyas kay Trey.

Mas lalong dumami ang mga halimaw at kapansin pansin pang mas nagiging bayulente ang galaw ng mga halimaw na ito.

Ang taong shape ng mga ito ay para pang mga jelly na siyang gumegewang gewang. Mas masasabi ngang mga halimaw na ito kahit na mukhang mga tao dahil sa kakaiba ng physical ng mga ito.

Tuwing may natatamaan ang latigo ni Ashyra kaagad itong nawawala at ang dilaw na likido nito ay tanging tumatalsik nalamang sa kalupaan.

Matindi nga ang epekto ng latigo ni Ashyra.

Bigla ay napahinto si Ashyra. Nakatingala ito sa harapan, "It's here. Trey, start it!"

Kinakabahan si Trey dahil sa sobrang dami ng mga yellow monster sa harapan ngunit nakahanda na naman ito dahilan kaagad niyang kinuha ang isang pana na siyang gawa pa ni Kasper.

"One, two, three!" Napabilang pa si Trey bago binitawan ang hawak.

Napahinto din ng tuluyan si Ashyra, kaagad pang nagsi-atrasan ang dalawa habang nakatuon sa itinira ni Trey na siyang may apoy.

"Ash!" Hindi napigilan ni Raiden na mag-alala nang kaagad na nagliyab ang harapan nila. Hinila ni si Ashyra upang maprotektahan ito sa sobrang laking apoy sa harapan.

Hindi nila inaasahan na ganito pala kalakas ang apoy, at talaga napang napakainit nito dahil sobrang lapit nila Ashyra sa target na mga yellow monster.

"I'm fine. Look at that monster", bahagya lamang na napangiti si Ashyra dahil sa galaw ni Raiden ngunit mas naka-focus siya ngayon sa halimaw sa kanilang harapan.

Tumingin naman si Raiden at seryosong napahanda ulit sa sarili.

Dahil sa sobrang laking apoy, kaagad na nagliwanag ang loob ng tunnel. Kitang kita sa paningin nila Ashyra ang itsura ng halimaw na ito.

"Monster", napabulong pa si Raiden at mas lalo lang napaseryoso.

Alam nilang mas maliit na ang halimaw na ito kesa kanina ngunit alam nilang mahirap padin itong talunin nalang ng masalian, lalo na at ang ibang parte ng katawan nito ay ang mga yellow puppet na nasa harapan nila.


Nakahanda sila Ashyra ngunit may hindi sila inaasahan na mangyayari.

Mukhang galit na galit ang halimaw dahil sa liwanag dahilan umatake ito. Kaagad namang nagsi-iwasan sila Ashyra ngunit bigla ay narealize nilang hindi pala sakanila papaatake ang halimaw.

"Kasper!", napasigaw si Ashyra dahil sa biglaang nangyari.

Kitang kita niya kung paanong ang malaking dilaw na kamay ng halimaw ay bumagsak sa sasakyan nila.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now