Chapter 12: Low-Level Zombies

236 16 0
                                    

Chapter 12

Low-Level Zombies

GUSTONG magsalita ni Marine ngunit ayaw niya namang umayaw sa sinasabi ni Raiden. Pinagmasdan niya nalang ang paglabas ng dalawa. Nang nasa labas na ang dalawa, nagsimula naman siyang umiiyak na may kasamang hikbi pa.

Nakaharang sa harapan ni Ashyra ang braso ni Raiden, pinoprotektahan ito habang nagmamasid si Raiden sa paligid. Wala silang makitang halimaw kaya nagsimula silang maglakad, dahan dahan at maingat ang paglalakad, wala ding ingay. Bigla ay pumwesto si Raiden sa gilid ng hallway para silipin ang pakaliwang daan. Ashyra can't see anything kaya pinanood niya lang ang likod ng lalake. Naghahanda at nag-iingat.

Bigla ay suminyas si Raiden bago nagsalita, "There are five to seven zombies. You need to stay close to me, okey? And try to move silently, para hindi natin makuha ang atensyon ng iba pang halimaw sa malayo" paalala ni Raiden.

Seryoso namang tumango si Ashyra, hinawakan niya pa ng mahigpit ang dalawang kutsilyo na hawak sa magkabilang kamay.

Bigla ay umalis si Raiden sa pwesto tsaka hinarap ang hallway. Umayos ang purma ni Raiden, naghahandang salubungin ang mga zombie na nakuha ang atensyon dahil sa biglang paglabas ni Raiden.

Mabibilis ang mga halimaw, kaya agad na nakalapit ang mga ito.

Lalabas nadin sana si Ashyra para tumulong ngunit napansin niya ang galaw ni Raiden. Sa nakikita niya, mukhang magaling makipaglaban si Raiden, hindi nagdalawang isip na salubungin ng kutsilyo ang mga zombie na lumalapit. Nakakamangha ang galaw niya dahil parang sanay na sanay na itong makipaglaban.

Hindi pa sana gagalaw si Ashyra dahil mukhang kaya na naman ni Raiden ang mga zombie ngunit isang grupo na naman ang bigla nalang nagsitakbuhan papalapit sakanila dahilan lumabas na si Ashyra upang tumulong.

Kung parang sanay at mabilis ang galaw ni Raiden, malinis at mabilis naman ang kay Ashyra, napakaganda niyang tignan habang iginagalaw ang katawan at isinasaksak ang hawak na kutsilyo sa mga halimaw, kahit nagkakabahid na siya ng dugo, napakaganda niya pading tignan. Napakagaan at para kasi siyang sumasayaw.

Hindi man sanay si Ashyra sa kutsilyo na hawak, mukhang sanay naman itong makipaglaban sa mga halimaw.

Napansin yun ni Raiden ngunit hindi nito binigyan pa ng pansin ito, pinagpatuloy niya lang ang ginagawa hanggang sa maubos ang mga halimaw sa harap nila. Madami ang napatay ni Ashyra ngunit mas madami ang kay Raiden dahil nasa unahan ito.

Maglalakad na sana si Ashyra papalapit kay Raiden ng mapansin niyang may kakaiba sa likod niya. Tumingin siya sa likod, walang mga halimaw sa hallway na nasa likod niya, tanging mga patay na katawan lang.

Teka, mga katawan? Bigla ay tinignan ni Ashyra ang katawan na malapit sakanya. Hindi ito kasali sa mga halimaw na kinalaban nila, nandito na ang mga katawan ng makalabas sila ni Raiden.

Napansin ni Ashyra ang katawan, nagkalat ang dugo at mukhang ibinagsak sa pader ang halimaw, hindi lang isa, hindi lang din dalawa, napansin ni Ashyra na walang gumagalaw na halimaw sa hallway na ito at tanging mga patay nalang na katawan.

Bigla ay nilapitan niya si Raiden at magsasalita na sana ngunit bigla siyang hinawakan ni Raiden at sumigaw ito sakanya ng may kalakasan, "F*ck, let's run!"

Sa sigaw na yun ni Raiden, nadinig ni Ashyra ang kakaibang tunog na papalapit sakanila.

Kumunot ang noo ni Ashyra tsaka hindi na nagpahila kay Raiden, sumabay na siya sa pagtakbo nito.

Napansin pa ni Ashyra ang itsura ni Raiden habang tumatakbo ngunit wala siyang balak na magtanong dahil alam niya kung anong sitwasyon ngayon.

Ang kakaibang ingay ay palapit ng palapit hanggang sa naramdaman na ni Ashyra na nasa likod na nila ito at humahabol.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon