Chapter 63: Busy

166 14 0
                                    

Chapter 63

Busy

"PLANO nilang ipagsabay sabay na umatake ang lahat ng sumali sa pag angkin at pagtalo ng large factory kung nasaan ang mga level zombies. Madami ang sumali at nag participate dahil fair na sinabi ni Ryan na kung ilan ang napatay na level zombies ng isang grupo, makukuha at maaangkin nila ang pinaghirapan nila. Halos lahat ng sumali ay naniniwalang makakaharvest sila sa pakikipaglaban na ito sa large factory na iyon habang ang iba naman ay tumulong upang sa kapakanan nila at sa takot na din na ma occupied ng mga zombies ang teritoryo nila" unang pagpapakiwanag ni Chantrea sa nakita niya.

Seryoso namang nakinig ang lahat dahil alam nilang kapag nadinig nila ang paliwanag ni Chantrea, makakasimula na sila sa plano nila.

"Pero doon sila nagkakamali. Because Ryan's team didn't explain the most dangerous thing that the large factory has. Ang plano nila ay hindi kunin ang lahat ng crystals cores o angkinin ang buong large factory kundi ang kunin ang siyang inaakala nilang dyamante na nakatago sa large factory nayun. Mali ang naging desisyon nila. And yup, all the teams that help Ryan's team to kill the hundred thousand white-level zombies didn't come back. Halos umaabot din sa fifty thousand ang sumali at kahit baguhang mga awakeners ang iba dito, masasabi pading magagaling ang mga ito sa pag kontrol ng awakened nila pero ni isa ay wala ng bumalik. All of them died not because of that battalion of level zombies but because of the orange level 5 zombie" paliwanag ni Chantrea.

Natahimik naman ang lahat. Mababakas ang gulat at takot sa iba habang ang iba naman ay mas lalo lang sumeryoso.

"It means, right now, our biggest enemy is an orange-level zombie" seryosong sabi ni Ashyra.

Nagtataka man siya kung paanong may orange level na kaagad na nag exist sa lugar, inisip niya nalang na baka bunga ito sa pagiging madami ng tao sa city.

"How many?" Si Raiden naman ang nagtanong.

"Just one but I saw in my vision, ang orange zombie na ito ay sobrang hirap malapitan. I think it has four guardians around it. Two White level 10, and two white level 9. Tsaka 30 percent of the white level zombies sa large factory na ito ay mga white level na nasa 5 to 7. Sobrang dami at ang nakakapagtaka lang, hindi ko man lang nakitang nakipaglaban ang orange level 5 zombie nayun" paliwang muli ni Chantrea.

Mas lalo pang natahimik ang lahat.

"Kakayanin ba talaga natin to?" Tanong ni Amora na mukhang mas natatakot pa.

"Even the fifty thousand awakeners didn't come back alive. I'm sure na gumamit din sila ng modern machine to fight those zombies but still, they didn't come back. Now, I can't tell if we can harvest goods here" umiling na sumagot si Luna.

"We're not sure about this. I'm scared that we can't fight here. The only thing we can do is get away from here before those battalions of zombies occupied the whole city" seryoso ding komento ni Nash.

"No, we can't, this is our chance" sumingit na sabi ni Raiden na siyang ikinagulat ng mga kasama.

Tumingin ang lahat kay Raiden. Para sakanila, kung sinabi ni Raiden, it means may paraan pang makakabalik sila ng buhay sa mga zombies na ito. Hindi man malakas ang paniniwala nilang makakabalik sila ng buhay, kapag sinabi ni Raiden isa lang ang dapat nilang gawin at yun ay mas paniwalaan ito kesa sa posibilidad na mangyari.

Madami silang napagdaanan sa apocalypse na ito at kahit papaano ay binibigyan na nila ng paniniwala ang mga kasama. This is their shield. They protect each other with this strong trust.

"What's the plan?" Seryosong tanong ni Ashyra.

"WHERE did you go?" Tanong ni Ashyra nang makita si Raiden.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now