Chapter 54: Trying

143 12 0
                                    

Chapter 54

Trying

ILANG oras ang lumipas. Kinausap pa nila Raiden at Ashyra ang grupo nila Cade at Mark bago nakapasok sa loob ng city.

Nalaman nila Ashyra na isang Metal awakened pala si Cade at siya din ang namamahala sa bahaging ito sa city. Maliit lang ang lugar na pinamamahalaan niya dahil sobrang hirap para sakanyang gumawa ng matibay at mataas na barrier. Safe naman na ang lugar nila kahit hindi maayos ang pagkakamahala ni Cade dito.

Nalaman pa nga nila Ashyra na healing awakened ang kapatid niyang babae. Gusto pa nga ni Ashyra na malaman ang awakened ni Chantrea pero hindi na niya mahagilap ang kapatid.

Bumaba sa minivan ang lahat.

"Yaahh. Finally, we're here!" Sabi ni Nash mukhang napagod sa mga nangyari bago sila napunta dito.

"It's ruined" nagsalita naman si Luca na siyang tumitingin sa kapaligiran.

"How can this be? It's so dirty na. Eww," malamang si Marine ang nagsabi nito.

"Hindi malaki ang lugar namin dahil sa hindi lang naman kami ang gumawa ng rescue center sa buong city. Ikinapoproblema nga namin ang paminsang minsang pag-atake ng mga kalaban. Mahirap din saamin ang kumuha o magdagdag ng lupain dahil madami talaga ang zombies sa buong city M. Buti nalang at nasa south-east tayo, ang lugar na pinakadulo ng city" nagpapaliwanag si Cade sa tabi ni Raiden at kapansin pansin talagang iginagalang nito si Raiden.

Nagtaka tuloy si Ashyra. Hindi maintindihan ni Ashyra kung bakit kailangan pang pangalagaan ng lalakeng si Cade ang reputasyon niya sa mga kilalang tao. Ang mga kilalang tao o pamilya ay walang kwenta kung hindi naman nito maiiligtas ang buhay mo. O baka naman hindi ito ginagawa ni Cade para sa proteksyon? Right, humans are naive about the new era.

Ang mga taong hindi padin naiintindihan na hindi na babalik ang mundo ang siyang hindi din binabago ang dati nilang ginagawa.

"Where's Cha?" Bigla ay isang malaking tao ang siyang humarang sa dinadaanan nila Raiden.

Malaki ang taong yun, pati si Raiden ay nakatingala dito.

"Y-you! Cathan, bakit dito ka nagtatanong? Nakikita mo naman dibang—" Cade words got cut.

"I can smell fire and metal. Are you a blacksmith?" Tanong bigla ni Raiden sa malaking taong yun.

Hindi sumagot ang malaking taong yun, ngunit yumuko naman ito at parang may hinahanap sa grupo nila Ashyra. At dahil mukhang nabigo itong mahanap ang hinahanap, yumuko na ito kay Raiden.

Para pang binabasa ng malaking taong yun ang kabuoan ni Raiden.

"I can make weapons but I have rules" sabi ng malaking taong iyon na si Cathan.

Mukhang naintindihan naman ni Raiden ang sinabi nito dahil tumango pa siya sa malaking taong iyon.

"What's your rule?" Tanong ni Raiden.

"First come first—" bigla ay naputol ang sasabihin ng malaking taong yun.

"Cathan! Anong ginagawa mo dito?!" Bigla ay sumulpot ang kanina pa hinahanap ni Ashyra na si Chantrea.

Yumuko ang malaking taong yun na si Cathan. "Here's your weapon. I think it's not suited to you" bigla ay may iniabot na malaki at mahabang bag ang lalake.

Si Chantrea na siyang sobrang liit ay muntik nang matumba nang matanggap ng iyon.

"It's not for me" sabi ni Chantrea.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon