Chapter 71: Change Of Plan

138 16 0
                                    

Chapter 71

Change Of Plan

"WE can't", sabi ni Ashyra habang tinitignan ng masama si Nash.

"H-huh? Pero sa tingin kong mas nakakabuting umalis na muna tayo dito o kaya'y ipadala sila Raiden kasabay sa military group nayun. Kahit saang anggulo ko tignan, talagang napakadelikado kung mananatili si Raiden dito kung gayong wala naman siyang malay", mahabang litanya ni Nash na para bang pinipilit niyang ipaintindi kay Ashyra kung bakit napagdesisyunan niyang maghiwalay nalang ang grupo nila.

Isang grupo at lalo na sa mga myembro na siyang hindi masyadong makakapaglaban ay pwede nang sumama sa military group nayun while ang mga may mas kakayahang makipaglaban ay sumunod kay Ashyra papunta sa kabilang City kung nasaan ang kapatid nitong hinahanap.

Umiling uli si Ashyra. Naiintindihan ni Ashyra ang sinasabi ni Nash pero kahit anong dahilan ni Nash, hindi niya talaga kayang iwan si Raiden o ang iba pa nilang kasama sa lugar nang military group nayun.

She suddenly remembers a special book that she read from the alternative world.

Ang librong yun ay luma na at dahil siguro sa pagiging special, nababasa padin ang nilalaman nito.

She remembered that the book's title is “The Lost Of Humanity”. Mas malinaw ang nilalaman nang libro kaya isa ito sa hindi makalimutan ni Ashyra.

May nakasulat sa librong iyon tungkol sa mga taong naging isang Cannibalism, at Cult. Ang dahilan nang pag appeared ng Cannibalism ay dahil sa kakulangan sa pagkain ng mga unawakened human. At dahil dito kahit kakaiba naman sa mga non-level or level zombies ang itsura ng mga taong ito, hindi padin sila maiituring na tao ulit dahil sa pagiging evolved nila.

Dahil sa gutom at kakalungan isang bagong nilalang ang nabuo ngunit isa din ang cannibal human ang pinakakinakatakutan na nilalang ng mga awakened users.

Wala sa isip ni Ashyra na may roon ng cannibal group sa mundong ito dahil sa tingin niya, sobrang napaka aga pa para mangyari yun. Madami dami pa ang resources sa lugar. Mayroon pa ngang nabubuhay na halaman.

Naisip ni Ashyra ang cult dahil para sakanya habang binabasa ang description at tungkol sa Cult na ito, masasabi niyang hindi lang ito simple.

Ang Cult ay isang grupo na siyang kaagad na kumalat sa iba't ibang parte sa mundo. Magsisimula ang cult na ito, ayun sa nabasa ni Ashyra ay sa susunod na buwan na.

Para talaga sakanya hindi simple ang Cult na ito dahil nga sobrang bilis ng pagkalat nito.

Ayon sa nabasa niya, ang ginagawa ng cult ay ang pag samba sa sinasabi nilang hari na siyang mag poprotekta sakanila. Hindi nabasa ni Ashyra kung paano nagsimula ang cult pero ayon ulit sa nabasa, hindi lang basta pagkalat ang ginagawa ng cult na ito sapagkat bawat buwan naglalabas o gumagawa din ang cult ng isang high-level zombies na siyang hindi talaga madaling talunin.

Sa tingin ni Ashyra, ang sinasamba ng cult na ito ay konektado sa kung bakit nagsimula ang apocalypse na ito.

For now, hindi kayang magtiwala ni Ashyra sa military na dumating. Wala siyang balak na ibigay ang pangangalaga sa mga taong hindi niya kilala para sa boyfriend niya.

It's hard trusting someone you didn't know. Well, sa simula palang naman ng apocalypse, wala naman talagang balak si Ashyra na magtiwala sa kahit sino. Hindi niya nga kayang maibigay ng buo ang tiwala niya sa dalawang matalik na kaibigan tapos halos kalahati lang ng tiwala niya ang ibinigay niya kay Raiden.

It's hard trusting someone in this world, especially when she knows that alternative world.

"Ash, may tama naman si Nash. Nag aalala lang kaming baka may mangyari kay Raiden habang nandidito. Tsaka kung mananatili ka kay Raiden habang nasa ganoon siyang kalagayan, paano ka makaka pag konsentreyt sa dapat na gawin mo? Alam naming nag aalala ka para sakanya pero isipin mo ang posibilidad kung mananatili pa siya dito—", naputol ang sinasabi ni Luca.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now