Chapter 118: Yellow Level Monsters

87 11 0
                                    

Chapter 118

Yellow Level Monsters

BAGO pa man matakot at magalit sila Trey dahil sa sobrang gulat nang ginawa ni Raiden, ang katawan naman ni Ryan ay biglang nagbago.

Una pa nilang napansin ang kulay dilaw na likidong lumabas sa malaking sugat ni Ryan. Kasunod nun ay ang walang kaemo-emosyon na mukha ng lalake.

Kaagad na nagsiatrasan sila Ashyra papalayo sa kinapupuwestuhan nila Ryan at Callie. Napaayos din ang pagkakatayo nila. Nakahanda ng lumaban sa mga nilalang na hindi nila alam sa harapan.

Seryoso sila Ashyra na nakatingin kela Ryan. Nakahandang umatake. Ngunit walang nagbago ni kahit kaunting emosyon ang mukha nila Ryan.

Yumuko pa ang binata sa dibdib na siyang nakatusok ang espada ni Ashyra. Dahan dahan at walang emosyon nitong itinaas ang kamay tsaka hinawakan ang dulo ng matulis na espadang yun.

"Sh*t," Hindi talaga napigilan ni Ashyra na mapamura dahil nang mahawakan ni Ryan ang matulis ng espada niya, bigla nalang itong natunaw.

Ang espadang yun ay bigay ni Chantrea at siyang armas niya sa pakikipaglaban. Talaga namang magagalit siya dahil sa ginawa ng halimaw sa harapan nila.

Ang halimaw na si Ryan naman ay muling tumingala. Nakatingin ng deretso kela Ashyra.

Ang natunaw na espada ay nawala sa pagkakatusok. Nabuo ang bilog na butas sa dibdib ni Ryan at mukha naman itong hindi na sasara pa ngunit kapansin pansin na hindi tumitigil ang mala dugong kulay dilaw na likido na lumalabas sa sugat nayun ni Ryan.

"Help us. My group needs your help", Walang emosyon pang sabi ni Ryan at bigla ay para itong robot na gumalaw.

Parang walang ganang gumalaw ang mga braso ngunit mabibilis namang gumalaw ang mga binti't paa, mabilis ding gumalaw ang katawan nito papalapit kela Ashyra.

"Agh!" Napasigaw pa si Trey na siyang nagmamadaling umiwas at tumakas.

"What happened to them?", Pati si Kasper ay nagtataka din sa takot.

Natatakot talaga siya dahil ito ang unang makakita siya ng ganitong setwasyon.

Habang nagtatanong sila Kasper, si Ryan naman ay umaatake na habang si Callie na siyang katulad din ng inaakto ng lalake ay naghahanda nading kumalaban.

"Stop them! Make sure not to kill them. We still need to know kung ano ang nangyayari sakanila", paalala ni Raiden na siyang handa na.

Ginawa nga ni Raiden ng sinabi niya. Nang umatake si Ryan sakanya, sinigurado niyang hindi niya ito matatamaan ng critical.

Kaagad na naintindihan ni Raiden ang setwasyon nila Ryan. Hindi pa ito patay kahit na butas na ang dibdib nito kaya nang inuna ni Raiden'ng tamaan ang paa at binti nito, tanging natumba lang ito at parang zombie talagang muling gumalaw kahit na sugat na ang isa nitong binti.

"Agh!", napasigaw si Ashyra dahil sa malakas na atake ni Callie sakanya at kaagad namang pumagitna si Kasper upang maprotektahan si Ashyra.

May lumabas na ugat sa sahig paderetso sa likod ni Callie at para talaga itong walang senses dahil hindi man lang ito umilag. Nakaatras si Ashyra papalayo sa babae habang nakakunot noo ang mukha.

"'Wag niyong hawakan ang likidong inilalabas nito. I think there's something wrong with this yellow liquid", pagpapaalala ni Ashyra habang pinunit ang sleeve ng suot na damit upang tanggalin ang parte nito na siyang may dilaw na likido.

"Ate Ash, there's a liquid on your forehead!" Bigla ay nadinig ni Ashyra ang malakas na boses ni Kasper na siyang mababakasan ng pagkaka-panic.

Pati si Raiden ay hindi din napigilan na mapahinto sa ginagawa at napalingon kay Ashyra.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon