Chapter 10: Dream Or Nightmare

231 11 0
                                    

Chapter 10

Dream Or Nightmare

NAKITA yun lahat ni Ashyra, hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Luna. Napahinto siya, hindi niya kayang igalaw ang mga paa. Naghihintay sa gagawin ni Luna ngunit ng mapaalis ni Luna ang halimaw na nakadagan kay Amora, isang zombie na naman ang biglang sumulpot para kagatin si Luna.

Hindi umiwas si Luna, hinayaan niya lang ang hilimaw na kagatin siya tsaka niyakap ang nag dedelaryo nang si Amora. Niyakap niya ito habang umiiyak.

"A-amora, it's okey. We'll be okay" Luna said while protecting Amora from those monsters.

Napatulala si Ashyra dahil sa nakita. Hindi niya kaya ang nakikita pero hindi naman na siya binibigyan ng pansin ni Luna.

Napapahabol nalamang siya ng hininga tsaka napaatras. Muli ay nadinig niya ang sinigaw ni Luna ng bitiwan siya nito kanina. "Run! Ash, you need to survive!" Nag pa-ulit-ulit ang boses ni Luna sa tenga niya.

Natatakot si Ashyra. Pinapanood niya kung paanong mamatay ang dalawang kaibigan. Kung paano sila dahan dahang nagbabago.

Wala sa sariling nagsimulang tumakbo si Ashyra, hindi alam kung saan napunta, gusto niya lang gawin ang sinabi ni Luna.

Namalayan niya nalang na napunta siya sa backdoor ng canteen. Wala siya sa sarili ngunit tanging nasa isip niya lang ay ang maka-survive.

Pumasok siya sa backdoor at kitchen ng canteen naman ang sumalubong sakanya.

May roong isang chief na nakatalikod sakanya, takot na takot si Ashyra kaya hindi niya na inisip na tao pa ang chief nayun. Mabilis siyang kumuha ng kutsilyo sa gilid tsaka itinapat sa nakatalikod na nilalang.

Mukhang nadinig naman siya ng nilalang kaya dahan dahan itong humarap sakanya. Agad ay umatake ito.

Lalake ang chief at mas malaki kay Ashyra ngunit dahil sa kaba at takot ni Ashyra naging agresibo ang galaw niya. Hindi niya na naisip kung saan tumama ang hawak na kutsilyo.

Basta't ba'y bumagsak lang ang nilalang sa likod niya. Nagkalat ang dugo, nabahidan din ng madaming dugo ang jacket na suot ni Ashyra ngunit hindi niya na magawang pansinin ito.

Agad siyang naghanap ng matataguan, nakita niyang may storage room ang kitchen kaya agad siyang tumakbo papunta dito. Walang katao tao ang kitchen kaya ng makapasok siya, tumahimik ang lugar.

Madilim ang storage room. Wala ding madidinig na kung anong nilalang kaya nasiguro ni Ashyra na safe na siya ngayon.

Nakaharap siya sa may pinto habang dahan dahang umatras tsaka ng bumangga ang likod niya sa isang shelf nanghihinang bumagsak ang katawan niya sa sahig.

Nanginginig padin ang mga paang nakaupo si Ashyra sa sahig habang pinapanood ang maingay na pinto ng storage room.

Hindi niya alam kung anong nangyayari sa labas, natatakot siyang buksan ito dahil baka halimaw lang ang sasalubong sakanya. Hinawakan niya ang kutsilyo na nakuha niya kanina. Nanginginig pa ang mga kamay niya at may bakas ng luha ang mukha.

Dahan dahan siyang tumayo tsaka hinawakan ng mahigpit ang kutsilyo bago lumapit sa pinto. Takot at kinakabahan siya dahil naging agresibo ang pag-iingay ng pinto.

"Please! Open!" Natigil si Ashyra ng madinig ang boses na yun mula sa labas.

Hinawakan niya ang doorknob at ready na sanang buksan ngunit naisip niyang baka halimaw ang nasa kabila kaya nagdalawang isip siya.

"Open it! F*ck!" Sigaw mula sa labas, nagmula ito sa lalake, mukhang sinusubukan pading buksan ang pinto mula sa labas.

Pumikit si Ashyra tsaka kinakabahang pinihit ang doorknob. Pagkabukas na pagkabukas nun ay itinaas ni Ashyra ang hawak na kutsilyo at itinapat sa lalake.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now