Chapter 30: Zombie Tide Start

200 12 0
                                    

Chapter 30

Zombie Tide Start

Muli ay naglalakad si Ashyra sa madilim na daan ngunit nasa likod niya na si Raiden at nararamdaman naman niya ang presensya ni Rylie na siyang sumunod din.

Paminsan minsan ay hinahawakan ni Ashyra ang magkabilang pisnge. At dahil madilim naman ang daan, hindi napansin nila Raiden ang ginagawa niya ngunit kung may liwanag man na nakatutok kay Ashyra. Makikita ang namumulang mukha ni Ashyra.

Hindi niya naman gustong palalimin ang halik nila ni Raiden dahil palusot lang ito para hindi maghinala sila Kaia sa pinag-uusapan nila ngunit hindi naman inaasahan ni Ashyra na sobrang bilis pala ni Raiden. Pakiramdam pa ni Ashyra ay expert si Raiden sa paghalik dahil talagang nadala siya sa halik nito. Muntikan niya na ngang makalimutan ang dapat niyang sabihin kay Raiden.

Ramdam padin ni Ashyra ang mainit na labi ni Raiden. At halos hindi mawala sa isip ni Ashyra ang nangyari.

"Don't let Nash and Luca stay in your room, Ash" bigla ay sabi ni Raiden dahilan pinilit na kinalimutan ni Ashyra ang halik na nangyayari.

Pakiramdam niya ay balewala lang kay Raiden ang halik nayun ngunit para kay Ashyra ay importante iyon dahil yun ang kauna-unahang may nahalikan siyang lalake. Nakaramdam ng kakaibang kirot sa puso si Ashyra ng ma-isip na hindi masyadong inisip ni Raiden ang halik na pinagsaluhan nila. Sa isip pa ni Ashyra, 'Imposibleng ako ang unang halik ni Raiden, sa galaw at galing palang nito, siguradong madami na siyang nahalikang babae'

Isip ni Ashyra yun bago inialis sa isipan ang nangyari. Hindi naman ganito ang ugali ni Ashyra kaya kalaunan ay pinilit niya nalang kalimutan ang nangyari.

"Don't worry, kahit ilang lalake pa ang kasama ko hindi nila mapapantayan ang nagustuhan ko sayo" walang reaksyon na sabi ni Ashyra. Pinilit nalang talagang kalimutan ang nangyari.

"I know, but still it's not good for you to stay in a room with another guy lalo na kung may boyfriend ka" sabi naman ni Raiden, wala pading mababakasang kakaiba sa boses.

Bigla ay bumagal ang paglalakad ni Ashyra tsaka humarap kay Raiden, "Trust your girlfriend, Raiden" sabi ni Ashyra dito.

"I trust you but I don't trust other guys whose possibility has hidden feelings for you, Ash," Raiden said kahit na wala pading nagbago sa walang reaksyon nitong mukha.

Pinanood ni Ashya ang reaksyon ni Raiden bago umiling, "Just trust me"

Muling humarap si Ashyra sa daan at nagsimulang maglakad. Kahit ayaw niyang isipin ang nangyari, hindi talaga mawala sa isipan ni Ashyra ang halik. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kurot sa puso ng makita ang reaksyon ni Raiden.

"Hmm-hmm, know when?" Biglang tanong ni Raiden.

Hindi pa sana maintindihan ni Ashyra ang tanong nito dahil may iba pa siyang iniisip ngunit naalala niya ang ipinunta niya sa outer camp.

"Don't know but I think it's coming" sagot naman ni Ashyra. Ibinalik ang pagiging seryoso sa boses at reaksyon nito.

Si Rylie na siyang nakikinig ay walang makitang mali sa pinag-uusapan ng dalawa naisip niya pang ang pinag-uusapan nila is about red day ni Ashyra. 'How can they talk about that in this situation?'

Walang napansing kakaiba sila Rylie at Kaia dahil mukhang normal lang naman ang pinag-uusapan nila Ashyra at Raiden ang hindi niya napansin ay ang sinasabi ng mga ito.

Mula sa sinabi ni Ashyra tungkol kaila Nash at Luca hanggang sa sinabi niyang prophecy, nasabi at naipaliwanag na ni Ashyra ang dapat na malaman ni Raiden. Mukha namang nagkaintindihan sila Raiden at Ashyra, ngunit iba na ang sinasabi ni Raiden ngayon dahil totoong ayaw niyang makasama ni Ashyra ang ibang lalake sa isang kwarto.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now