Chapter 128: First Lieutenant

91 4 0
                                    

Chapter 128

First Lieutenant

“ANO pa nga ba ang magagawa natin? Mas gugustuhin ko pang may malamon kesa sa ipagkatiwala nalang lahat sakanya!”,

“Manahimik ka, Garen. Kung hindi dahil sakanya wala ka sana ngayon dito!”,

“Edi umalis ka at sumama sakanila! Kahit saan mo tignan, Raja, wala ng magtitiwala sakanila. Nakikita mo ba to? Ilang araw na tayong hindi nakakatikim nito!”, ipinakita ng lalaking nag ngangalang Garen ang hawak nitong tinapay.

“Pakyu ka, pagkain lang yan! Mas mapagkakatiwalaan paba si Alex kung palakasan na ang usapan? Kaya ni Elysia na protektahan tayo, nakakasigurado ka bang protektado kayo ni Alex?!”, mukhang mabilis na napikon ang lalakeng nag ngangalang Raja dahil mabilis nitong sinakal ang kausap gamit ang damit na suot nito.

“Tsk, ikaw lang, Raja, sa hina ng awakened mo, alam kong mas may tiwala ka kay Elysia!”, kampante pa si Garen na itinulak papalayo si Raja.

“Kaya kong makipaglaban hindi tulad mo. Pagkain nalang ang kulang saakin, bakit hindi ka nalang sumama sakanila. Sobrang kita namang wala ng nagtitiwala sakanila?”,

“First Lieutenant si Elysia! Sa tingin mo ba talagang tama ang pinipili niyo?”, nanggigigil na si Raja habang nakakuyom ang palad.

Gusto niyang suntukin ang kaharap pero alam niyang mas mahina siya kesa dito. Sa laki ng katawan ni Garen, naiintindihan niyang hindi niya to matatalo sa pakikipagsuntukan.

Sa edad na 23, mukhang tutoy padin si Raja dahilan hindi na nakakapagtakang sobrang hina ng awakened nito. Nakapag-awakened lang naman siya ng isang shapeshifter at ang kaya niya lang e-transform ay isang maliit na ibon.

Nagagalit at naiinis talaga si Raja ngayon dahil hindi niya inaasahan na ang mga taong inalagaan at pinoprotektahan ng gusto niyang babae ay tatalikuran sila.

Napayuko nalamang si Raja dahil wala na talaga siyang magagawa bago tumingin sa malayo na siyang natatanaw niya ang buong grupo na nagtatawanan.

‘Simula nang dumating ang babaeng yun, kaagad na nagbago ang tingin ng mga tao dito…’ tumingin na naman siya sa kaliwa kung saan may nagtatawanan na mga survivors na tinulungan ng militar na to, ‘Sa isang pagkain lang, kaagad nilang tinalikuran ang nagligtas sakanila’,

Naiinis si Raja, pero wala siyang magagawa. Balak niya pa sanang kausapin si Garen dahil inaakala niyang malaki ang tiwala nito kay Elysia dahil ang babaeng yun naman ang nagligtas sakanila pero tulad ng iba, dahil lang sa pagkain, tumalikod na ito sakanila.

Nakayukong naglakad si Raja at pumasok sa isang silid kung saan mayroong isa babae at isang lalakeng tahimik na nakaupo sa upuan ng kusinang ito.

“Mga walang utang na loob”, matigas niyang ani nas pinilit ang sariling hindi magwala sa inis.

“Kalma lang. Kung ayaw na talaga nila saakin, edi aalis nalang ako”, tumayo ang babaeng mayroong dark brown na buhok na siyang nakatali.

Ang babaeng ito ay may morenang balat at suot ang pangsundalong pajama tsaka gray na manipis na fitted t-shirt.

“Pero, Elysia, napakalaki nang ginawa mo dito. Dahil lang sa pagkain, kaagad na silang nagtiwala kay Alex. Dapat talaga ay ang Margo nayun ang paalisin natin!”, galit na sigaw ni Raja na mukhang hindi na nakapag-pigil.

Lumapit sakanya si Elysia tsaka siya nito tinapik sa balikat, “Kalma. Kahit anong gawin natin, don't forget that we should prioritize their safety and well-being. They choose this and I can't do anything about it”,

Napakagat ng labi si Raja, “Pero, Elysia, sumusobra na sila. Hinahayaan nalang nilang kunin ni Alex ang responsibilidad mo. They don't care about your so called protection, gusto lang nilang may malamon sila. Tsaka, hindi naman natin kailangan na umalis dito! Kung takot silang makisalo tayo sa pagkain nila, let’s just explain to them that your strengths can protect them!”,

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now