Chapter 64: Plan B

131 11 0
                                    

Chapter 64

Plan B

"THEY didn't come?" Amora asked.

Nasa gitna sila ng madaming tao. Katulad nila, naghahanda at naghihintay din sa planong pag ataking gagawin sa factory.

"I feel something weird" suddenly, Kasper's said.

Natahimik ang grupo ni Ashyra. Pinakinggan ang kapaligiran.

It's too noisy. Ang mga tao sa kapaligiran ay naghihintay sa grupong magsisimuno sa gagawing pag atake habang nakikipag usap sakanya kanyang kasamahan at ibang grupo.

Si Chantrea na siyang nakita na ang hinaharap ay napahawak kay Ashyra.

Nagtataka namang tinignan ni Ashyra ang kapatid. Napansin niyang mukhang kinakabahan ito.

"What's the problem?" Tanong niya sa kapatid.

Chantrea look up at her, "I also feel weird. I-I think there's something wrong" the girl answered.

Malakas ang paniniwala ni Ashyra sa intuition na meron ang kapatid dahil nga matatawag itong priest dahil sa kakayahan niyang makapag gamot at makakita ng hinaharap. Kasabay pa nitong nagsalita din si Kasper. Sigurado si Ashyra na malakas ang intuition ng dalawa, pati siya ay nakaramdam din ng kakaiba.

Tumingin siya kay Raiden.

Si Raiden naman na mukhang may naramdaman din ay pinapanood at minamasdan ang kapaligiran ngunit dahil naramdaman niya ang tingin ni Ashyra, bumagsak ang paningin niya dito.

"Don't let your guard down. I can feel something running toward our direction." Paalala ni Raiden sa mga kasama lalo na kay Ashyra.

Mas lalo lang na napaseryoso ang mga kasama.

"What the- we're inside of the base, how can an enemy attack us?" Mababakas ang takot sa mukha ni Amora.

Oo, nakapaghanda na sila pero may kasa kasama silang baby na siyang hindi pa nga masyadong naiidilat ang mga mata.

Sa takot na baka may mangyaring masama, mas pinili nalang nilang magsama sama at wag maghiwalay hindi lang sa takot na baka may biglang umatakeng zombies kundi pari nadin sa takot na baka may umatake sakanilang grupo.

Ganoon sila ka caution sa kapaligiran. Simula palang noong una, itinatak na nila sa isip nilang wala silang makakapagtiwalaan sa mundong ito.

"I think someone knows about how I saw the future" bigla ay nagsalita si Chantrea.

Nagulat namang napatingin sakanya ang mga kasama.

"Who? Wait, kung may nakakaalam man sa pag gamit mo sa ability mo, hindi dapat nila alam kung ano at kailang future ang tinignan mo" sabi ni Nash.

Nagtaka din si Ashyra dahil sa sinabi ng kapatid.

"I don't know pero yun ang nararamdaman ko ngayon. I feel like someone can see inside me" Chantrea said again.

Tumingin si Ashyra sa katabing si Raiden. She saw how Raiden's reaction changed.

"F*ck" mahina lamang na nagmura si Raiden ngunit dahil pinapanood ni Ashyra ito, napansin at nadinig niya ito. Tumingin si Raiden sakanya bago tumingin sa iba pang mga kasama. "Get ready. We're going to fight"

"Huh? How about the baby?" Muntik pang mapanic si Amora.

Tumingin si Ashyra sa baby na dala nito bago tumingin kay Luna at Luca, "Both of you protect Amora and Baby Cain. Also, search for a safe place. I think..." Tumingin si Ashyra kay Raiden.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now