Chapter 101: It's Okey

125 12 0
                                    

Chapter 101

It's Okey

"HELLO po" napayuko si Amora nang lumapit sakanya si Lorien.

Hindi pa man nakahanda si Amora na tanungin ito tungkol sa kalagayan nito bigla nalang siyang tinapik ni Lorien sa likod.

"Look at you! Ang babata niyo pa but you manage to survive until here" Mukhang proud si Lorien sa mga batang nasa harapan niya.

It's already surprising na makitang nagawang makasurvive ng mga batang 'to sa apocalypse na ito lalo na at binubuo ang grupong ito ng mga bata. May mas babata pa nga sakanila eh, si Cain na dala dala si Amora.

"Come, come. Let's go inside!" Tuwang tuwa naman si Lennon na pinapasok ang mga dumating sa bahay nila.

"We can finally able to rest" Nauna pa si Nash na pumasok sa bahay.

Tuwang tuwa talaga ito dahil sa byahe nila papunta sa iisang lugar ay hindi naging madali. Kinakailangan kasi nilang maging bantay sarado upang sa kaligtasan nila kaya talagang mahirap na maging rest assured sa kapaligiran.

Tuwang tuwa nga si Nash ngunit nang sumalubong sakanya ang pamilyar na buhay na buhay na puno, kaagad din itong napatakbo sa likuran nila Luca.

"Giant tree!" Sigaw pa nito sa takot.

Alalang alala niya talaga ang halimaw na malaking punong yun. Kahit na hindi naman humantong na na-trauma siya, nakapagpadala padin nang takot sakanya ang puno lalo na kung buhay na buhay ito kesa sa mga normal na puno sa labas na patay.

"How did it get in here?!" Pati sila Luca ay nagulat din nang makita ang puno.

"Oh, it's a long story. Come in, don't worry" Mukhang hindi maintindihan ni Lennon ang reaksyon nila Luca.

"Mom, it's dangerous" Si Luna ang pumigil sa magulang na lumapit sa malaking puno.

Kahit hindi man nila alam kung paano nabuhay ang malaking puno sa City B, alam nilang hindi lang basta basta ang mangyayari kung gumalaw nga ang punong nasa harapan nila.

"Luna, 'wag kayong mag-alala, hindi na naman gumagalaw ang puno" Sabi ni Lorien.

Kagabi lang ay sinuri nila Lorien at Lennon ang puno at wala silang masabing kasama sama dito lalo na at ang pagkakaalala nila, tumubo ang punong ito galing sa batang babaeng iyon.

"But mom, mayr'on ding malaking puno sa City B at gumagalaw yun. It even killed the people around it, we just managed to escape because of luck!" Nag-aalala si Luna sa mga magulang.

Hindi niya alam kung kailan dumating ang punong ito sa pamamahay nila pero sa kaisipan niya palang na nanatili ang mga magulang niya sa tabi ng punong ito, hindi niya na magawa pang imaginin ang iba.

"Pero—" Gustong intindihin ni Lorien ang anak pero may posibilidad ngang totoo ang sinasabi nito.

Naalala niyang umatake ang malaking ugat ng puno sa harapan nila nang mag-appear ito. Tsaka wala din silang kaalam alam sa kung ano ang nangyayari sa labas ng subdivision nila.

"Cha, why didn't you know that there's a giant tree here?" Natatakot pang napatanong si Nash kay Chantrea na siyang nakakapit na kay Kasper.

Ang natatakot din na si Chantrea ay napabusangot nalang, "Why should I know? Sinabi ko nang mahirap tumingin ng hinaharap diba? Tsaka, you should have asked Trey that! Siya na ang bagong taga-alam kung ano ang nasa dadaanan at pupuntahan natin"

Talagang ayaw ni Chantrea na gamitin nalang ng basta basta ang ability niya kaya nakahinga siya nang malaman ang awakened ni Trey. It only means, hindi niya na responsibilidad na alamin kung ano ang nasa dadaanan nila.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now