Chapter 132: Searching For Kaia

63 5 0
                                    

Warning: Not Yet Edited!

Chapter 132

Searching For Kaia

“WATCH out”, napasuntok si Ashyra nang may umatake sa likod ni Rhea.

Hindi patagong pumasok sila Ashyra dahil inaasahan na naman nito na mapapalaban siya sa lugar na to.

“I'm sorry, I can't charm more people”, nabanggit nalamang ni Rhea habang hindi gumagalaw sa kinatatayuan dahil hinahapnotize niyo ang ibang lalakeng kaya niyang kontrolin.

“This make my job easier”, sagot naman ni Ashyra at walang sabing inisa isang sinuntok at sinipa patumba ang mga na-seduce ni Rhea.

“What the—it’s just two girls!”, bigla ay may sumigaw na isa sa mga kalaban.

Napahinto ang lahat pati sila Ashyra at Rhea ay napahinto.

Mukhang malakas ang isang ito. Malaki ang katawan at may kasama ding isa pa na nakasunod dito. Gumawa ng daan ang mga kriminal upang mabigyan ng daan ang dalawang ito.

Napaseryoso si Ashyra nang makalapit sakanila ang dalawa.

Madami ang mga kriminal na kaanib ng base na ito at normal lang na makakakita sila Ashyra ng mga awakeners na siyang malalakas.

Pero ang seryosong mukha ni Ashyra ay nawala nang may maramdaman ito sa dalawang tao sa harapan.

“Little girls, do you want to be my baby?! Hahaha”, para pang baliw na tumawa ang isa sa dalawa at bigla nalang umakto sa harapan nila Ashyra.

Ang suot nitong t-shirt ay napunit nang dahan dahang lumaki ang katawan nito.

“Bro, akin yung nasa likod”, nagsalita pa ang kasama nito na siyang dahan dahan ding lumaki ang katawan.

Napabuga ng hangin si Ashyra. Yumuko siya at napatingin sa marka niya sa paa.

“Let’s see if something change here”, napabulong si Ashyra bago tumingin kay Rhea at sininyasan itong lumayo sa kinapupuwestuhan niya.

“Ano? Gusto mo bang makipaglaro, baby girl?” Sarkastikong nagsalita ang isa sa may super strength na lalake.

Nakayuko pa ito kay Ashyra dahil sobrang laki nito kumpara sa babae.

Habang malakas ang loob ni Ashyra, si Rhea naman ay kinakabahan na. Madami ang kasama ni Chen Xie at madami padin ang mga nasa paligid nila. Napansin niya pang nagmamalaki na ang mga lalakeng ito nang dumating ang dalawang may super strength sakanila.

Nakatanaw siya kay Ashyra at pinapanood ang binabalak nito, noong una, kinakabahan padin siya kung magagawa nga bang pabagsakin ni Ashyra ng mag-isa ang mga kalaban na ‘to pero ganoon nalang ang gulat niya nang may maramdaman siya kakaibang enerhiya sa paligid.

May napansin si Rhea na kulay berdeng usok na siyang hindi ganoon kaklaro. Nang sinundan niya kung nasaan posibleng nanggaling ang usok, nabalik ang tingin niya kay Ashyra.

Nasa likod siya ni Ashyra dahilan tanging likod lang din ang nakikita niya. Hindi niya alam kung ano ang itsura ng babae ngayon pero nakaramdam si Rhea ng kilabot dahil pakiramdam niya ay may binabalk ang babae.

Napangisi si Ashyra habang nakatingin sa mga kalaban, “Quantum Pull”, mahinang bulong ni Ashyra.

Bigla ang hindi klarong berdeng enerhiya sa kapaligiran ay biglang nawala, hindi na ito lumulutang pero makikita naman ito sa lupa.

Kasabay ng pagbaba ng enerhiya nayun, mabilis na napabagsak ang mga lalaking nagawang abutin ng pagkalat ng hindi masyadong klarong berdeng usok.

“Agh!”

Goddess In Apocalypse (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon