Chapter 40: Mythical Creatures Or...

176 11 2
                                    

Chapter 40

Mythical Creatures Or...

NATAHIMIK naman si Ashyra at hindi kaagad nakapagsalita. Nagisip siya ng idahilan. Wala siyang planong sabihin ang nalalaman ngunit may isang impormasyon siyang nakalimutan at ngayon ay naalala niya na.

"Did I forget to tell na pulis ang kuya ko?" Parang may question mark pang lumabas sa ulo ni Ashyra ng sabihin yun.

"Huh? Policeman? Ni minsan wala kang sinabi" umiiling na sagot ni Luna.

"Oo nga. I can't remember na may sinabi kang ganyan. I only remember you saying na nasa city M ang kuya mo" tango naman ni Amora.

Tinignan naman ni Ashyra ang dalawang kaibigan. "Dahil siguro kakagraduate lang ni kuya kaya hindi ko kaagad nasabi sainyo pero palagi akong tinuturuan ni kuya ng mga self-defense kapag umuuwi kami sa bahay" sagot lang ni Ashyra tsaka muling tumingin sa harapan.

Pinanood ni si Luca na siyang iniluhod ang isang tuhod sa lupa habang nakahawak naman ang dalawang kamay sa lupa.

"I summon you, guardian of the earth!" Mahinang sabi ni Luca at bigla namang may lumabas na malaking bilog sa harapan nito.

Ang bilog na yun ay lumiliwanag ng kulay puti, matatawag din itong portal. Pinanood nila Ashyra ang portal nayun. Naghihintay na may lumabas ngang mythical creatures.

Bigla ay nakita nilang may umangat mula sa portal nayun. Malaki ang bagay at talaga namang nagulat sila Ashyra ng makita kung ano ang nilalang nayun.

"Huh?! Dinosaur?!" Sigaw ni Amora sa gulat.

"That's a T-REX!" Si Nash na siyang mas malapit kay Luca ay mukhang excited na excited ng makita ang nilalang na lumabas sa portal ni Luca.

Tumayo ng maayos si Luca at ng makita ang malaking T REX na siyang umaabot ng 9 feet tall, itinaas niya ang braso at itinuro ang mga white zombies sa harapan. Parang naintindihan naman ng dinosaur na yun ang sinasabi ni Luca dahil kaagad itong tumakbo papunta sa mga white zombies at umatake.

Mayroong matulis na ngipin ang T REX kaya ng kagatin nito ang isang white zombies, kaagad itong naputol dahilan kumalat sa lupa ang pulang dugo. Bigla ay sumigaw ang T REX at mabilis na kinagat din ang isa pang white zombies.

Pinanood lang nila Ashyra ang ginagawa ng T REX hanggang sa matapos na ito sa pag-kagat. Bigla ay may lumitaw na namang portal sa kinatatayuan ng T REX at dahan dahan ay bumababa ito sa portal nayun hanggang sa hindi na nila ito makita at ng mawala ang portal.

"Waaahh! That's so cool!" Sigaw ni Nash tsaka kaagad pang nilapitan si Luca.

"It's not mythical creatures. Inaasahan ko pa namang may lumabas na phoenix o di kaya'y dragon" bagsak ang balikat na sabi ni Amora.

"Ano namang problema sa T REX? Tayo nga ang kauna unahang makakita ng totoong dinosaur e" angal ni Nash habang tinatapik tapik pa ang likod ni Luca.

Pinilit namang umiwas ni Luca sa tapik ni Nash ngunit proud na proud lang na pinipigilan ni Nash si Luca.

"Are you fine?" Tanong ni Raiden kay Luca. Mukhang napansin na may kakaiba kay Luca.

Tumango pa muna si Luca bago sumagot, "I'm fine pero sobrang laki ng nakuhang enerhiya ng summon ko dahilan napagod ako." Sagot ni Luca.

"You're in level 3 at sigurado namang hindi pa malawak ang energy core mo kaya mabilis itong naubos sa isang summon mo palang but this awakened is really useful for us kaya siguradong makakatulong ito if ever na mapalibutan tayo ng kalaban at zombies" tango ni Raiden.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now