Chapter 41: A Tarantula?!

225 20 1
                                    

Chapter 41

A Tarantula?!

"I CAN see the subdivision here," Amora said habang sumisilip sa bintana at itinuturo ang lugar kung saan makikita ang mga bahay.

"Why do I feel strange?" Mukhang may nararamdamang kakaibang tanong ni Luna habang kagaya ni Amora ay nakatingin din sa subdivision na siyang palapit na ng palapit sakanila.

Sira na ang gate ng subdivision at wala din silang makitang guard na bantay, ni zombies ay wala silang nakita dahilan deretso lang ang pagpasok nila dito. Kapansin pansin ang sign board na kaagad na makikita. 'Inclementia Subdivision'

Huminto ang van sa pwesto kung saan may bahay pang hindi pa natatapos.

"This is just a cheap subdivision. It looks like a village" mahina pang komento ni Marine ng makababa.

Maingat silang bumaba habang pinapakiramdaman ang kapaligid.

Tumingala si Ashyra ng mapansing hindi nasisinagaan ng araw ang buong subdivision, doon nakita niya ang ilalim ng isang floating island na siyang tinatakpan ang buong subdivision. Napakunot noo kaagad si Ashyra ng may mapansing kakaiba sa floating island.

Hindi kasi gumagalaw ang floating island na ito, hindi katulad ng normal na floating island na siyang lumilipad at gumagalaw ngunit hindi naman ito nagkakalapit o nagkakabanggan sa iba pang floating island.

"I feel weird, ate Ash" bigla ay kumapit si Kasper sa jacket ni Ashyra.

Tinignan naman ni Ashyra ito. Makikita ang pamumuti ng mga labi ni Kasper at mukhang may nararamdaman din itong kakaiba sa lugar.

Malakas makaramdam si Ashyra kaya naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ni Kasper.

"Bakit ka natatakot?" Tanong ni Ashyra dito ng maramdaman ang takot ni Kasper.

Umiling iling naman si Kasper at parang batang may kinatatakutan sa harapan dahil lumapit pa ito kay Ashyra at mukhang gustong magtago.

Bago pa man tuluyang magkadikit si Ashyra at Kasper bigla namang sumingit si Raiden at hinila papalayo si Kasper.

"You're a man bakit gusto mong magtago sa babae?" Hindi man ramdam ang inis o galit sa boses ni Raiden, makikita naman sa mukha nito ang pagiging malamig.

Tinignan ni Ashyra si Raiden. Gusto ni Ashyra na protektahan at hayaan si Kasper ngunit naisip niya ang pinag-usapan nila ni Amora at Luna kagabi.

'So, ganito pala magselos si Raiden' sa isip isip ni Ashyra bago tumingala muli.

May kakaiba ding nararamdaman si Ashyra. Pakiramdam niya ay pamilyar ang lugar ngunit mukha ding hindi.

"Be careful, everyone. There's strange in this subdivision" paalala ni Raiden sa mga kasama kaya wala namang nagbalak na gumalaw sa mga ito.

Nakatayo lang sila sa tabi ng minivan habang tinitignan at minamasid ang kapaligiran.

"Wala naman akong maramdamang kakaiba. Wala lang namang zombies at survivors dito ngunit sa tingin ko naman walang panganib" nakakunot noong sabi ni Marine.

"Shut up, kung gusto mo kaagad pumasok sa isa sa mga bahay, gawin mo tsaka mo ulit sabihin kung safe ba talaga ang lugar na ito," Amora answered Marine.

Umirap lang si Marine kay Amora tsaka hindi naman nagbalak na gumalaw sa kinatatayuan.

"H-help!" Bigla isang boses ang nadinig nila.

Naging alerto naman ang lahat. Hinanap nila kung nasaan nanggaling ang boses nayun ngunit wala talaga silang makitang buhay sa paligid.

"In that house. That voice comes from that house" bigla ay itinuro ni Kasper ang bahay na nasa malayo.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt