Chapter 76: Ashton's Situation

122 9 0
                                    

Chapter 76

Ashton's Situation

NAGKANDA hirap sa paglalakad si Ashton ng dahil sa inaalalayan niyang babae at nang hindi na nakapagpigil, pinili niya nalang buhatin ang babae nang pa bridal style.

Naglakad siya habang iniiwasan ang mga semento at gusaling gumuho. Dumeretso siya sa natatanaw na malaking puno.

Huminga pa ng malalim si Ashton habang seryosong ibinaba ang babae sa isa sa ugat ng malaking punong iyon.

Tumingin si Ashton sa paligid. Malayo sa punong kinatatayuan, isang mga gusali at semento ang nakakalat. Minamasdan ni Ashton ang papalapit na si Trey hanggang sa napansin niyang may sumilip mula sa gilid ng puno.

Mukhang sanay na naman si Ashton dito dahil hindi niya na pinansin ang mga taong sumilip sakanila.

Lumuhod siya sa paanan ng babae tsaka naglabas ng emergency kit.

"It looks serious" seryosong sabi ni Ashton nang makita ang sugat na natamo ng babae.

"No, it's not" sumagot naman ang babae.

Tumingala si Ashton sa babae at parang sinasadyang hinawakan ang sugat nito at talaga namang napainda sa sakit ang babae.

"Is this not serious for you, Ky?" Malamig na sabi ni Ashton sa babae.

"O-okey! Okey! That's hurt!" Nakabusangot ang mukhang sabi ng babae.

"Yeah and it's will hurt more if you don't listen to me"

"Ton, you are just joking, right? How can you hurt your girlfriend?"

Yumuko si Ashton habang ginagamot ang babae, "Tsk, shut up. Just look what you did? Sa tingin mo bang biro lang ang nangyayari ngayon. Ky, just listen to me" galit na sabi ng lalake.

"Pakiramdam ko lang namang nakakatuwa ang nangyayari e, ah" bigla ay naramdaman na naman ng babae ang pagsakit ng sugat nito sa paa, "Ton, you're really hurting me", busangot nitong ani habang nakayuko sa lalake.

"Shut up", ulit ni Ashton sa girlfriend.

Mukhang wala namang nagawa ang babae pero sadyang hindi maperme ang babae dahil nang lumikot ang mata nito at nang makita ang baril na nakasabit sa gilid ni Ashton, basta basta niya nalang iyong kinuha. Mukhang seryoso namang ginagamot ni Ashton ang sugat nito dahilan hindi nito napansin ang ginawa ng babae.

Ang parang batang si Kylie ay nilaro laro ang mabigat na baril. Itinutok pa nito ang hawak sa kung saan, pati ang papalapit na si Trey ay napatakbo nang maitutok ni Kylie ang baril dito.

Hindi naman pinansin ni Kylie ang takot na si Trey, nang may sumilip na naman sakanila sa gilid ng puno, itinutok pa ni Kylie ang hawak dito dahilan mabilis na nagtago sa gilid ng puno ang sumisilip.

"It's done—Ky, give that back to me!" Nang tumingala si Ashton, nakita niya na ang ginagawa ni Kylie dahilan kaagad niyang kinuha ang baril na hawak nito.

Kaagad namang bumusangot ang mukha ng babae bago ito sumandal sa puno.

Si Ashton naman na siyang naiinis na tumabi sa babae ay nilinis linisan ang hawak na baril.

Ang nagtatago namang si Trey ay lumabas bago dahan dahan itong naupo sa isa pang ugat ng puno.

Natahimik sila ng ilang sandali ng biglang may umingay na nagmula sa plastic na ngayon ay hawak ni Kylie.

Napatingin pa ang dalawang lalake dito pero ang walang pakeng babae ay nagpatuloy sa ginagawa. Binuksan nito ang isang pack ng junk food bago ito ngumunguya nguya.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now