Chapter 111: Orange-Level?

107 13 4
                                    

Chapter 111

Orange-Level?

"SAAN nga pala kayo pupunta? I want to go to N City but I don't have someone who can protect me so I'll decide to join you kung saan man kayo pupunta. Just to make sure that I'll be safe", Hindi umaasa si Callie sa grupo nila Ashyra, sadyang alam lang nito na mas ligtas siya kung may kasama siya.

"We're going to M University", si Trey ang sumagot.

Ngunit ang babae ay mapapansing kinabahan bago itinuro ang daan na pinanggalingan nila Ashyra.

"Dito ba tayo dadaan?", Tumingin ang babae kay Kasper na siyang patapos na sa pakikipaglaban sa mga non-level zombie. Makikitang nagulat pa ito sa lakas ni Kasper ngunit hindi napawi nito ang kaba niya, "We can't waste time here. Siguradong gagabihan tayo sa pagdating sa Unibersidad nayun", nagmamadaling sabi ni Callie.

Napansin nila Ashyra ang kakaiba sa galaw at pananalita ng babae.

"No. Galing kami sa kabilang kalsadang yun and we can't pass there. Sira ang kalsada kaya dito tayo dadaan", si Trey padin ang nagpaliwanag sa babae habang nakaturo sa pinanggalingang daan ng babae.

Mapapansing nabalot ng takot ang mata ni Callie. Napakapit pa ito s braso ni Trey habang takot na takot.

"We can't! Madadaanan natin ang Mall sa way na ito", Parang gustong tumakas ni Callie sa sobrang takot.

Nagkatinginan naman sila Ashyra at Raiden, naiintindihan na may nangyayari sa pinanggalingan ng babae.

"Ano naman ang meron sa Mall na sinasabi mo?", Seryosong napatanong si Raiden.

Makikita namang parang nanghina at nanliit si Callie sa sarili habang inaalala ang nangyari sa pinanggalingan niyang lugar.

Naalala ni Callie ng malabo ngunit malinaw ang mga nangyari. Sa loob ng storage room, madami sila doon. Sa lumipas na dalawang linggong pananatili, hindi na nakayanan ni Callie ang magtagal pa doon ngunit wala pa man siyang ginagawa, isang babae na ang nagbukas ng pinto ng storage room and then a monster appeared.

Naalala ni Callie kung paanong nawalan ng buhay isa isa ang mga kasama niya sa isang kalmot lang ng halimaw nayun. And because of Callie's luck, naisipan niyang buksan ang isa pang maliit na kwarto ng storage room na siyang nakakunektado sa exit ng supermarket. She knows na may zombie sa maliit na kwartong yun but luckily, nang sumalubong sakanya ang mga zombie sa maliit na kwarto, sa ibang tao ito umatake.

Tsaka ang mga zombies na yun ay nakatulong din upang makakuha ng oras si Callie na makatakas. She tried to escape. Gamit ang wala ng lamang zombies na maliit na kwarto sa storage room, nakaligtas siya. Nagawa niya pa ngang makatakas at makatakbo papalayo sa Mall gamit ang exit ng supermarket and she become more lucky nang matanaw niya ang grupo nila Ashyra.

Pero ngayong pina-alala nila Ashyra ang tungkol sa Mall at Supermarket nayun, muling bumalik ang takot ni Callie.

Alam niyang sinuwerte lang siyang makatakas and she knows na hindi magtatagal ang suwerte. The only thing she wishes is to escape and go far away to the place that gives her a nightmare.

"There's an orange monster there. Madami kami sa storage room but I'm the only one who survives and escape. I remembered how that monster swing his arms pagkatapos ay may dugo na namang kumakalat," Bakas talaga ang sobrang pagkatakot ni Callie sa inaalala.

Mas lalong napaseryoso sila Ashyra. Pati si Trey ay napaseryoso din sa nadinig.

"It's an orange-level zombie?", Ani pa ni Trey. Hindi pa siya nakakakita ng orange level zombie pero sa itsura palang ng mga white level zombie, naiintindihan na ni Trey na hindi lang basta basta ang orange level.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu