Chapter 20: Get Out

219 14 2
                                    

Chapter 20

Get Out

LUMIPAS ang ilang oras, nakahanda na ang lahat. Si Marine na siyang namumula pa ang ibaba ng mga mata ay sobrang tahimik pero mukhang wala naman itong balak magpaiwan.

"You need to listen to me. Don't do something without my permission, kahit may tatlo na tayong awakened sa grupo, we're still not sure na magiging safe ang paglabas natin dito. Also, don't let your guard down" paalala ni Raiden sa mga kasama.

Tinignan niya pa si Ashyra na siyang nakahanda nadin. Napansin naman ito ni Evanna, mukhang hindi pa nawawala ang inis nito dahil makikita padin ang nakakunot niyang noo sa mukha.

"Evanna, you need to stay close to me, okey?" Bulong ng katabi ni Evanna na si Jess, hindi man lang napapansin ang iba sa reaksyon ni Evanna.

"Let's go" sabi ni Raiden, sinenyasan ang mga kasama.

Napahanda naman ang mga kasama. Hindi nagbago ang pwesto nila, si Raiden sa unahan habang si Ashyra sa likod at si Jess sa kanan habang si Luna sa kaliwa. Napapagitnaan naman sila Amora, Evanna at Marine.

Dahan dahan ay binuksan ni Raiden ang pinto ngunit hindi niya ito binuksan ng tuluyan, sumilip pa siya.

Mapapansin ang seryosong reaksyon ni Raiden, "Three level 1 white zombie" bigla ay sabi niya na ikinakaba ng mga kasama.

Talagang sumalubong kaagad sakanila ang tatlong level zombie. Siguradong hindi na ito normal. Mukhang padami na ng padami ang mga white zombies sa building na ito.

"I can't feel other-level white zombies. It's safe for me to kill these three" sabi ni Raiden na siyang mukhang lalabas na ng pigilan siya ni Ashyra.

Nagtataka namang tumingin si Raiden kay Ashyra na siyang nakahawak pa sa braso nito, pinipigilan si Raiden. Magtatanong pa sana si Raiden ng biglang itinulak ni Ashyra ang pinto pasara.

"I think it's not safe kung sa hallway tayo dadaan" sabi ni Ashyra dito.

Mag-tatanong pa sana si Raiden ng may marealize siya, tumingin siya sa paligid ng dorm room, tumigil naman ang paningin niya sa balkonahe.

"I almost forgot. Pwede tayong dumaan sa balkonahe" sabi ni Raiden.

Mukhang pati ang mga kasama ay narealize din yun. Napahinga tuloy sila ng maayos dahil talagang kinakabahan silang dumaan sa hallway ng building pababa.

"I also forgot the balcony. Talagang sa sobrang kaba nakalimutan na natin ang mas madaling daan" sabi ni Amora na siyang nakahinga ng maayos.

Lumapit sila sa balkonahe. Nang tignan ang ibaba, napag-alaman nilang nasa fourth-floor sila ng building. Mataas pero mas mukha namang mas safe kesa sa hallway.

"Not safe. There's a possibility na may mga zombies din sa ibang balkonahe pababa. Tsaka marami rami din ang mga non-level zombie sa ibaba" sabi ni Luna ng makita ang ibaba.

"But from what I can see, mas safe dito kesa sa hallway," Amora said.

"Yeah, I think so, mas madadalian pa nga tayo e" sabi naman ni Jess.

"By the way, Jess, gaano ka kalaki?" Seryosong tanong naman ni Raiden sa isa pang lalake sa grupo.

Gulat ang reaksyon ni Jess, hindi makapaniwala sa itinanong ni Raiden.

Mukhang narealize naman ni Raiden ang sinabi dahil pati ang mga kasama ay napatingin sakanya, "I mean your eagle form, how big are you? Kaya mo bang magdala ng isang tao?" Pag-lilinaw ni Raiden na siyang ikinaintindi ng mga kasama.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now