Chapter 8: Earthquake?!

262 15 0
                                    

Chapter 8

Earthquake?!

HINDI nagbago ang reaksyon ni Ashyra, at mahabang katahimikan naman ang biglang nangyari.

Sobrang tahimik dahilan magsalita uli si Chantrea, (Ah? Sis? Still there?...)

"Where are you right now?" Mas malamig ang boses ni Ashyra na siyang siguradong ramdam ng taong nasa kabila.

(Emm, Sis, calm down, okay? Hindi ko alam na mangyayari ito so, I'm in the city M right now) mukhang kinakabahang sagot ni Chantrea.

Pumikit si Ashyra, at ng dumilat siya, bumakas ang galit sa mga mata.

"Cha, what crazy thing are you doing there? Bakit parang hindi ka ata matigil sa iisang lugar lang? Paano ka napunta dyan? Hindi mo ba alam ang salitang delikado? Diba't may klase ngayon? Paanong nandyan ka ngayon sa city?" Ang emotionless na mukha ni Ashyra ay nag-iba.

Bakas talaga ang galit sa mukha niya. Napakaseryoso niya din.

(Sis! Please calm down first-)

"How can I calm down? Nasa lugar ka kung saan alam kong mas madami pang zombies kesa dito sa university namin" bigla ay dahan dahang huminahon ang boses niya.

Bumalik ang emotionless na mukha ni Ashyra habang nakatingin padin sa repleksyon niya sa salamin.

(Sis, don't worry, naka-survive naman ako diba! Nakatawag na nga ako e. T-tsaka hindi ko naman kasalanan na mangyayari pala ito sa araw kung kailan ako nagplanong surpresahin ka. Kasama ko pa naman ngayon si Lynx) paliwanag muli ni Chantrea.

Huminga ng malalim si Ashyra tsaka inalala kung sino si Lynx, halos isang daang taon siya sa ibang lugar at nang mag-kaalala, hindi niya ito agad naproseso.

Bigla ay may isang memorya siyang naalala. Ito ay ang alaga niyang pusa, Lynx. Iniregalo pa ng daddy niya ang pusang ito at siyang alagang alaga niya pa ito.

Ashyra sighed, "I can't do anything now dahil nandyan kana naman. Where are you? What's your situation?" Walang reaksyong tanong ni Ashyra sa kabilang linya.

(Ha...) Mukhang nakahinga pa ng maayos ang nasa kabilang si Chantrea, (I'm fine now. Nasa storage room ako ng supermarket kaya walang problema sa pagkain, may mga kasama din ako dito. Ang problema lang ay madaming zombies sa labas kaya hindi kami makalabas) sagot ni Chantrea.

(Sis, don't worry about me. Maayos lang ako, ikaw ba? Anong setwasyon mo ngayon?) Tanong ni Chantrea.

Imbes na sumagot si Ashyra sa tanong nito, iba ang sinabi niya, "I want you to stay safe there, wait for me. Sisiguraduhin kong pupunta ako dyan, you need to survive this, Cha" sabi niya dito.

(O-okay, I promise, I also want you to be safe, Si-Ahh!-) naputol ang sinasabi ni Chantrea ng biglang nagkalindol ang paligid.

Nabitawan din ni Ashyra ang cellphone tsaka napaupo sa sahig, sobrang lakas ng lindol, dahil nakaharap si Ashyra sa glassdoor, hindi siya nakahanda na protektahan ang sarili mula sa nabasag na glassdoor. Nakadilat pa si Ashyra, parang nag slow-mo pa ang nangyari pero bago pa man tumama sakanya ang mga basag na salamin, isang bisig ang bigla nalang yumakap sakanya.

Niyakap siya ng taong yun tsaka sabay silang bumagsak sa sahig palayo sa glassdoor. Sobrang lakas ng lindol at hindi agad nakapag-react si Ashyra.

"Ah, ha" nadinig ni Ashyra ang lalakeng nakayakap sakanya. Mukhang nasasaktan ito kaya akala ni Ashyra ay nagkasugat ito dahil sa salamin na nabasag.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now