Chapter 13: I Like You

298 27 3
                                    

Chapter 13

I Like You

NANG madinig ito ni Ash, hindi niya nagawang sumagot. Hindi niya maintindihan ang sariling nararamdaman. Naiinis ba, nakampante o natutuwa. Paano niya naman kasi maiintindihan kung pakiramdam niyang isa siya sa mga magiging pinakamahinang nilalang sa mundong 'to sa susunod?

Bakit nga ba hindi siya mag-awakened? Kasalanan ba 'to ni Green?

Bigla ay tumahimik ang buong kwarto. Walang nagsalita. Natahimik lang ang dalawa.

Napapaisip si Ashyra ng kung ano ano ng mapatingin siya sa lalakeng nakaupo lang sa harap niya habang nakapikit itong nakasandal sa upoan.

Pansin ni Ashyra ang itsura ng lalake lalo na ang gwapong mukha nito. Gwapo talaga ang lalake. Bigla ay may naalala si Ashyra.

"Hey" tawag niya dito. Dumilat naman ang lalake tsaka tumingin sakanya ng seryoso, naghihintay sa itatanong ni Ashyra. "Bakit parang ang bait mo ata sakin?" Bigla ay tanong niya.

Hindi nagbago ang reaksyon ng lalake ngunit sumagot naman ito, "Maybe because you're my cousin's bestfriend?" Patanong nitong sagot.

Seryoso din ang mukha ni Ashyra, "Oh" sabi lang nito tsaka ibinaling ang paningin sa sirang glass door ng kwarto. "Anyway, I forgot to thank you for what happened last night" biglang sabi niya habang hindi nakatingin dito.

Hindi niya namalayang tumango si Raiden, "Not needed. Gagawin ko yun dahil nasa delikado ka" sagot ni Raiden.

Muling tumingin si Ashyra dito, "If Marine was the one in my situation, Will you also protect her?" Tanong muli ni Ashyra.

Nagtama ang paningin ng dalawa, "Why are you suddenly asking that?"

Umayos pa ng upo si Ashyra, "I always wanted to ask you this the moment I met Marine. What's Marine to you?"

Sa totoo lang ay hindi naman niya gustong malaman kung ano ni Raiden si Marine noong una ngunit ng tumagal, ng mapansin niya ang ugali ni Marine, at kung paano itrato ni Raiden ito, gusto niyang malaman ang tungkol dito.

Hindi nagbago ang reaksyon ni Raiden, "We're childhood friends" sagot niya lang, hindi iniiwas ang paningin kay Ashyra.

Napatahimik ng ilang minuto ang kwarto bago nagsalita muli si Ashyra, "Not childhood sweetheart?" Seryoso iyong sinabi ni Ashyra.

Makikitang bahagyang nag-iba ang tingin ni Raiden. Medyo nangunot ang noo nito, "Why are you asking that?" Seryoso ang boses niyang sabi.

Hindi humiwalay ng tingin si Ashyra, "You know, the moment I know your personality, I start to like you" deretso yung sinabi ni Ashyra.

Deretso at parang normal lang ang sinasabi.

Bigla, ang kaninang seryosong itsura ni Raiden ay nalagyan ng gulat na ekspresyon. Mapapansin pa ang biglaang pamumula ng tenga nito.

Seryosong nakatingin sakanya si Ashyra kay Raiden dahilan hindi magawang tumingin ni Raiden ng deretso sa babae, kaagad na tumingin sa ibang bagay. Pinilit pa nitong takpan ang labi at ilong gamit ang isang kamay.

"Y-you, why are you telling me this now?" Tanong ni Raiden dito, hindi makatingin.

"I can't talk to it with Marine around" totoong sagot ni Ashyra.

Totoong nagustuhan niya si Raiden dahil sa personality nitong may pagka similar sakanya.

Magkatulad kasi ang dalawang may seryosong vibe at mukhang type din naman ni Ashyra ang mukha at katawan ni Raiden. Gwapo ito at may magandang pangangatawan na siyang sakto sa height na gusto ni Ashyra sa lalake. Lalo na't gustong gusto ni Ashyra ang brown nitong mata. Masasabi na talaga ni Ashyra na gusto niya ang lalake.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя