Chapter 39: Goodbye

229 17 1
                                    

Chapter 39

Goodbye

"KAILANGAN niyo naba kaagad na umalis? Sobrang delikado padin ang maglakad hanggang dito papunta sa gate ng university" tanong ni Kaia habang nakatingin sa grupo ni Ashyra.

Tumingin naman si Ashyra sa mga kasama. Hindi niya akalaing sasama talaga ang mga ito sakanya papunta sa City M. Nandito sila Nash, Luca at Kasper. Ganoon nadin sila Raiden, Amora, Luna at syempre si Marine. Madami sila ngunit mukhang sasama padin si Raiden kay Ashyra kahit na nagkaaway sila kahapon.

Napatigil ang tingin ni Ashyra kay Raiden na hindi man lang nagbago ang walang reaksyon at malamig na mukha. Hindi din ito tumitingin at umiiwas kay Ashyra.

Kumikirot tuloy ang dibdib ni Ashyra sa tuwing tumitingin kay Raiden. Kahit walang reaksyon ang mukha ni Ashyra, mapapansin ang paminsan minsan nitong pagbusangot habang nakatingin kay Raiden ngunit mabilis namang umiiwas ng tingin si Ashyra at umaaktong walang ginagawa kaya walang nakapansin sa ginagalaw nito.

"Kailangan na naming makaalis kaagad ngayon bago pa lalong lumakas ang mga zombies" si Nash ang nagsalita.

Tumingin naman si Ashyra kay Nash. Makikita ang kulay puting marka sa taenga nito. Ang markang iyon ay kamay habang may lumilitaw na bilog. Kulay puti ito kaya hindi masyadong klaro ngunit dahil nasa taenga ni Nash iyon, kapansin pansin padin ito lalo na kung nasisinagan ng liwanag.

Nakapag-awakened na sila Nash at Luca at dahil madami ang nakuhang white crystal cores sila Raiden kaagad na nakapag-level up sila Nash at Luca hanggang level 3. Ganoon din naman sila Amora, Luna at Marine. Pinaghati hati kasi ni Raiden ang mga crystal core para sa iba ngunit may sobra ang kay Raiden dahil siya naman ang nakakuha ng mga crystal core ganoon nadin si Kasper.

Walang system screen si Kasper tuwing nakakahawak sa crystal core dahilan tinuruan pa ni Ashyra si Kasper kung paano ito kainin. Buti nalang talaga at mabilis natoto si Kasper kaya naging mabilis lang ang pagkakain niya sa mga crystal cores.

Tumingin si Ashyra kay Luca na siyang nasa likod ng leeg naman ang marka. Ang marka niya ay isang kulay puting dahon na siyang napapalooban ng bilog. Ang mga ibig sabihin ng awakened nila Nash at Luca ay Telekinesis at Summoning. Kayang maggalaw ng kagamitan si Nash habang nakakasummon naman si Luca ng kung anong nilalang.

Hindi pa alam nila Ashyra kung ano ang kayang ma-summon ni Luca ngunit naisip nilang baka kayang maka-summon ni Luca ng mythical creatures.

Bawal naman kasing gamitin ni Luca ang awakened niya dahil baka tama nga ang iniisip nila at para sa kaligtasan ng lahat, hindi na muna ginamit ni Luca ang awakened.

"Kayo dapat ang mag-ingat. Madami ang zombies sa paligid. Delikado din dito sa university" Amora said.

"Ha! With me and Kaia here siguradong walang magagawa ang mga zombies dito. Tsaka sisiguraduhin naming hindi na mauulit ang nangyari kahapon" si Conner na siyang nasa unahan at tabi ni Kaia ay nagsalita naman.

"Siguradohin niyo lang talaga dahil wala ng Ash at Raiden sa camp niyo. Kung sakali mang magkita kita ulit tayo sana lang ay buo padin kayo!" Sabi ni Amora.

"Tsk, kami dapat ang magsabi niyan e. Sana nga lang maging buo padin kayo sa susunod nating pag-kikita" angal ni Conner.

"Oo, at sana sa susunod umakto kana ding business student. Para kang bullies na nananakit ng mahihinang tao e. Mas mukha ka pang army student" sabi muli ni Amora.

"Shut up. Normal lang na ganito ang itsura ko dahil berserker ang awakened ko!" Galit namang sabi ni Conner.

"Stop it both of you. Maghihiwalay na nga tayo, hindi padin kayo nagkakasundo. By the way, Ash," bigla ay may ibinigay na cellphone si Kaia. Nagtatanong namang tinignan ni Ashyra ang cellphone. "Gumagana pa ang signal sa buong city kaya siguradong matatawagan mo ang kapatid mo. Hindi ako sigurado kung kailan mawawala ang koryente pero para masigurado, e charge mo nalang ito kung sakaling may madaanan kayong lugar" Kaia explains.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum