Chapter 15: Going Back

270 23 1
                                    

Chapter 15

Going Back

NAGHINTAY sila Ashyra kela Raiza dahil naghahanda pa ang mga ito.

"Raiden, mali ba ang naging desisyon ko?" Tanong ni Ashyra sa katabing Raiden.

Bigla ay napatingin sakanya si Raiden. Umiling ito, "No, hindi ako ang nagdesisyon dahil ikaw naman itong mas close kela Amora at Luna"

"Hmm-hmm" sagot nalang ni Ashyra tsaka hinarap muli si Amora na siyang huminahon na. "Maganda naman ba ang trato nila sainyo?"

Si Luna ang siyang sumagot, "Just so-so pero nakakain pa naman kami ng maayos"

"Ash, you need to watch these three. Love triangle pa naman" bumulong naman sakanya si Amora.

Hindi sumagot si Ashyra dahil wala naman siyang pake sa tatlo, gusto niya lang malaman kung okey ba ang tratong nakuha ng dalawang kaibigan dito.

"I'm ready" bigla ay lumapit sakanila si Evanna habang may dalang dalawang bag.

"Sinabi ko ng kaonti lang ang dalhin niyo, mahihirapan tayong makagalaw nito" sabi ni Raiden dito dahil sa nakita.

"Tsk, hindi talaga nakikinig e" sumingit si Raiza na siyang may isa lang dalang bag.

"Then can you help me carry this, please?" Malambot ang boses ni Evanna tsaka iniabot pa kay Raiden ang bag.

Nakita yun ni Ashyra, "Si Raiden ang makikipaglaban sa mga zombies, mahihirapan siyang gumalaw" sabi niya tsaka tinanggap ang bag na ibibigay sana ni Evanna kay Raiden.

Magaan ang bag at mukhang hindi naman madami ang laman. Iniabot ni Ashyra ito kay Luna. "Carry this. I'm gonna help Raiden fight those zombies kaya hindi ko 'to madadala" sabi ni Ashyra.

Hindi naman umayaw si Luna pero kapansin pansin ang kunot ng noo nito habang nakatingin sa walang pakeng si Evanna. Tanging nakatingin lang ang babae kay Raiden.

"Let's go, Evanna" sumingit si Jess na siyang may isa lang ding bag na dala.

"Let's go," Raiden said tsaka sila gumalaw palapit sa may pinto.

"You need to stay close to me and make sure na nakakasabay kayo. Also, listen to what I said" paalala ni Raiden tsaka dahan dahang binuksan ang pinto ng dorm.

Hinintay nang iba ang senyas ni Raiden at ng mukhang nakomperma na ni Raiden na safe ang daan, seninyasan niya ang iba papalabas.

Madami sila at magkakadikit, katulad kanina nila Ashyra. Nasa likod si Ashyra nagbabantay habang sumusunod habang nasa unahan naman si Raiden. Si Luna ay nasa kanan habang sa kaliwa naman ay si Jess, ang tatlo namang babae ay napapagitnaan.

Tahimik silang naglalakad, walang nagbalak gumawa ng ingay kahit ang tapak sa semento ay tahimik.

"Wait" bigla ay sumenyas si Raiden, naglakad ito palapit sa isang zombie na siyang nakita kanina ni Ashyra, agad niyang tinapos ang buhay ng halimaw na yun ngunit dahil naputol ang ulo ng halimaw, napasinghap ang mga kasama.

Hindi inaasahang gawin yun ni Raiden. "Oh my god" bulong ni Amora sa takot. Katabi niya lang si Luna kaya agad siyang pinakalma nito.

"He can do that without blinking" bumulong naman si Evanna habang tahimik lang si Raiza sa gulat.

"Let's continue" sabi ni Raiden tsaka muking seninyasan ang mga kasama palapit.

Mabilis ang lakad nilang lumapit sa pwesto ni Raiden.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now