Chapter 46: The Night Time

177 15 3
                                    

Chapter 46

The Night Time

HINDI napansin ng mga kasama ang pag-alis nila Raiden at Ashyra. Umalis na pala ito at pumasok sa isang bahay na siyang nasa tabi lang ng kinapupuwestuhan ng mga kasama.

Pumasok sila doon habang dala dala ni Ashyra ang baby. Tahimik at mukhang natutulog ang baby kaya mukhang maayos lang na dalhin ito ni Ashyra.

May second floor ang bahay ngunit dumeretso lang sila Raiden sa kusina ng bahay. Magulo ang paligid at dahil doon ay ibinagsak pa ni Raiden ang mga nagkakagulong gamit paalis sa lamesa.

Parang walang pake naman sa magulong lugar na naupo si Ashyra.

"What do you want to eat?" Tanong ni Raiden na siyang nangangalakal sa loob ng umaandar pang ref.

"Anything with rice. Kanina pa ako hindi kumakain" sagot naman ni Ashyra.

May inilabas na pagkain si Raiden sa ref tsaka humarap sa pwesto ni Ashyra. Nakita ng binatang dala dala padin ni Ashyra ang baby.

"Puwede mong ilagay dyan ang bata" ani ni Raiden, itinuturo ang lamesa.

Hindi naman nagsalita si Ashyra at dahan dahan nalang na inilagay ang bata sa lamesa.

Si Raiden naman ay nagsimula na sa ginagawa. Tumalikod ito upang linisin ang lutuan. Buti nalang talaga't may kuryente at tubig pa.

Maganda naman ang kusina at bahay, mukha pa ngang modern ang disenyo nito. Kahit na sobrang dumi dahil sa mga nagkakalat na bagay.

Pinanood ni Ashyra si Raiden sa ginagawa. Bigla ay naalala niya ang nangyaring pag-aaway nila ganoon nadin sa napag-usapan niya kasama sila Amora at Luna.

Dahan dahan ay tumayo si Ashyra tsaka lumapit sa pwesto ni Raiden. Nakaside view si Raiden sakanya at makikita niya ang seryosong ginagawa nito.

Dahan dahan naman ay lumapit pa siyang lalo dito. Niyakap ng patagilid ang lalake. Matangkad man si Ashyra, mas matangkad si Raiden. Tanging hanggang leeg nga lang siya ni Raiden eh.

"Y-you..." Mahinang ani pa ni Raiden tsaka hinayaan nalang ang babae sa pagyakap sakanya habang nagluluto siya.

Akala ni Ashyra ay hindi siya pinansin ni Raiden kaya dahan dahan siyang tumingala dito at nakabusangot ang mga labing nagsalita, "I'm sorry" sabi niya sa lalake.

Bigla ay napatingala din si Raiden. Medyo maliwanag ang lugar kaya napansin ni Ashyra ang pamumula ng tenga ni Raiden.

Hindi niya tuloy alam kung matatawa sa lalake.

"Okey, Ash. Stop it, I'm doing something here" sabi ni Raiden.

Mukhang nagustuhan naman ni Ashyra ang reaksyon ni Raiden dahil mas lalo lang niyang nilambing ang lalake.

"You're still angry, eh?" Sabi ni Ashyra dito.

"Nope, Ash. I'm cooking for you" hindi pa tumingin si Raiden kay Ashyra at itinuon lang ang paningin nito sa niluluto.

"No, galit ka? I'm sorry sa mga sinabi ko. Kahit na may kasalanan kadin naman" bigla ay nakuha ni Ashyra ang atensyon ni Raiden.

Napatingin ang lalake kay Ashyra nang mababakas ng pagtatanong.

"What did I do?" Sa pag kakaalala ni Raiden, wala siyang ginawa upang dahilan na sabihin at gawin iyon ni Ashyra sakanya.

"You kiss me..." Mahina ang boses ni Ashyra.

Hindi maintindihan ni Raiden ang ibig sabihin ng babae kaya mas lalo lang nagtaka ang reaksyon niya.

"And? Do you hate me kissing you?" Napahinto na si Raiden sa ginagawa. Napatuon na lang ang paningin kay Ashyra.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now