Chapter 107: Awakened Tree

136 11 2
                                    

Chapter 107

Awakened Tree

NAGSALITA si Ashyra na siyang mas lalong pinagtaka ng mga kasama. Gusto nila itong tanungin ngunit si Ashyra ay nakapikit at nakahawak padin sa puno. Para itong may ginagawa dahilan hindi nila kayang istorbohin ito.

Muli, ilang minuto na naman ang lumipas, bigla sa lumipas na minuto, may napansin na ang mga kasama ni Ashyra.

Ang una pang nakapansin nito ay sila Raiden at Chantrea.

"Anong nangyayari?" Napatanong si Chantrea dahil sa sobrang lakas nang nararamdaman niyang kakaibang enerhiya.

Nang magsimula ang apocalypse, lahat ng awakened na tao ay nagkaroon ng normal na abilidad na pakiramdam ang kakaibang enerhiya sa kapaligiran na siyang katulad ng enerhiya na nanggagaling sa crystal cores lalo na kung malakas ito.

At ngayon nga ay nakakaramdam sila ng enerhiya na nanggagaling sa malaking puno sa harapan ngunit ang enerhiya na ito ay hindi katulad ng enerhiya sa crystal cores. Kakaiba ito at klaro sakanila. Ang enerhiya ay nag dadala ng amoy na siyang nanggagaling sa kagubatan. Ang amoy ng lupa, kahoy, dahon, halaman at ilog. Sa madaling salita, lahat sila ay nakaramdam ng napakagaan na enerhiya na nakakapagpatulong sakanilang makaramdam ng kaginhawaan.

Dahil sa enerhiya na ito, nakalimutan nila ang amoy sa labas ng pamamahay. Ang magulong kalsada, ang ingay ng mga halimaw, ang amoy ng patay na tao, ang madilim na lugar at ang kalungkutan sa kapaligiran.

"I miss my grandma" Bigla ay nagsalita pa si Trey na siya namang nagpabalik sa realidad nang lahat.

"Wait, what's this energy?" Narealize nila ang kakaiba sa kapaligiran at sakto namang humiwalay na si Ashyra sa puno.

Tumingala si Ashyra sa malaking puno. Bigla niya pang naalala si Green ngunit sa huli ay narealize niyang iba si Green at ang punong nasa harapan niya. Ang enerhiya sa kapaligiran ay nagpapaalala lamang kay Ashyra kay Green katulad ng nakuha niyang halaman sa City M.

"I just try but luckily I awakened it", humarap si Ashyra sa mga kasama.

Sinubukan lang ni Ashyra na gisingin ang malaking puno dahil napansin niyang may kakayahan siya nito katulad nang pagkagising ng malaking puno sa City B. Malaki ang puno sa City B kaya alam ni Ashyra na matanda na ang punong yun, nakakasigurado siyang hindi lang dahil sakanya kaya bumukas ang pinto ng malaking puno.

May nabasa si Ashyra na libro galing sa kakaibang mundo. Ang librong yun ay tungkol sa DOOR ng bawat miracle tree o mga green awakened na naging puno. Ang petsa ngayon ay July 2026, sobrang layo pa sa nakasulat na petsa sa nabasa niyang libro tungkol sa pagkakagising ng mga DOOR sa bawat miracle tree. Nabasa niyang magsisimula palang nadeskubre ang tungkol sa DOOR ng miracle tree 5 years later.

Limang taon pa bago malaman ng mga tao ang tungkol sa miracle tree DOOR. Pero dahil kay Ashyra, nag-awakened na ang malaking puno sa City B. Dahil nadin siguro sa matanda na ang punong yun, kaagad itong nag-awakened, at dahil sa tulong ni Ashyra na ma-triggered ito, tuluyan na nga itong nakabuo ng sariling DOOR at guardian.

Sa pag ko-komunikasyon ni Ashyra sa batang puno sa harapan nila, nasigurado niyang may conscious padin ang mga green awakened na naging puno pero...

"I was just able to awaken the tree but I don't think na may possibility pa na bumalik siya sa dati" Tumingin si Ashyra kela Lennon na siyang mukhang umaasa sa sasabihin ni Ashyra.

Ngunit, hindi expert si Ashyra sa mga miracle tree na ito. Na experience niya lang na maging malaking puno. Naalala niya pa nga ang dahan dahang pagtubo ng mga halaman sa kapaligiran niya habang nagiging malaking puno siya. Ngunit nakatulong naman ang experience niya na ito dahil naisip niya pang may conscious pa ang mga miracle tree.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now