Chapter 16: Dead

199 14 3
                                    

Chapter 16

Dead

"THAT'S the room!" Bulong ni Ashyra kay Luna na siyang pinilit pang ituro ang pinto kung nasaan si Marine ngayon.

Nadinig siya ng mga kasama ngunit ng makapasok sila sa kwarto, bigla nalang may umatakeng halimaw.

Malapit yun kay Raiza kaya siya ang natalunan nito.

"Aghhh! Help! St-stop! Ahhh!" Sigaw ni Raiza na siyang kinakagat na ng halimaw.

Nagulat ang mga kasama, takot na takot sila pero ng maibaba na ni Luna si Ashyra, Si Luna ang naglakas loob na sipain ang zombie na nakadagan kay Raiza ngunit huli na ang lahat dahil may kagat na si Raiza sa balikat.

Makikita ang luha sa mga mata ni Raiza, hindi ito makabangon, may bahid ding gulat at takot sa mata niya.

"Ahh, y-you help-p m-me" mahinang sabi ni Raiza pero isang minuto lang nag-iba na ang mga mata ni Raiza. Para itong nag dedelaryo.

Natatakot ang mga kasama at hindi alam kung ano ang gagawin.

"No! R-Raiza!" Sigaw ni Jess na siyang nanonood lang.

Pumasok naman si Raiden tsaka isinara ang pinto ng malakas, doon niya lang napansing may nangyayari pala sa loob ng dorm room.

Bigla ay umatake na naman ang kaninang sinipang halimaw ni Luna, bago pa ito makalapit kay Luna, bigla namang umatake ng agresibo si Amora. Makikita sa mukha ni Amora ang kaba at takot habang hindi itinigil ang pagsaksak sa zombie.

"N-no, n-no" nahihirapan pang sabi ni Amora tsaka napatigil lang sa ginagawa ng mapansing sira na ang bungo ang zombie.

"Aghh!" Late na sigaw ni Evanna na siyang mababakas ang takot at gulat sa mga mata.

Hindi maproseso ng mga kasama ang nangyari. Si Luna naman na siyang gulat ang mukha ay kaagad na inalalayan si Amora. Hindi nakalimutan ni Luna na mayroon pang Raiza kaya lumayo siya habang inalalayan si Amora palayo sa kung nasaan si Raiza.

Nagbago na si Raiza, dahan dahan itong tumayo tsaka nakakatakot nang nakatingin sa pwesto nila Luna.

"Graaaa greaaa" para pang may sinasabi si Raiza.

"Kill it" sabi ni Ashyra sa katabing si Raiden.

Hindi nagsalita si Raiden tsaka mabilis nalang na inatake si Raiza gamit ang kidlat. Agad namang namatay si Raiza dahil sa sobrang lakas ng awakened ni Raiden.

Natahimik ang paligid, walang nakapagsalita. Hindi sila makapaniwala sa nangyari. Ganoon kabilis na nawala si Raiza sakanila, sobrang bilis.

Bigla ay humarap si Jess kay Ashyra, masama itong nakatingin, "It's all your fault! Sinabi mong safe dito bakit may zombie? Sinasadya mo ba to? Gusto mo lang ba kaming patayin?!" Galit na sigaw ni Jess kay Ashyra.

Nanghihina padin ang katawan ni Ashyra kaya hindi padin siya makatayo ng maayos at tanging nakasandal nalang sa sementong pader.

Hindi nakapagsalita si Ashyra. Sa pagkakaalala niya ito ang dorm room ni Marine pero bakit may zombie dito?

Bago pa man makapag-isip si Ashyra sa sasabihin isang pamilyar na na boses ang biglang sumigaw mula sa isang bedroom ng dorm.

"Raiden! Waa! Huhuhu!" Sigaw ni Marine tsaka tumakbo papunta kay Raiden, katulad ng nangyari noong unang nakita ni Ashyra si Marine, bigla na namang itong yumakap at nagsisi iyak.

"Marine," kaagad na inilayo ni Raiden si Marine sakanya tsaka kunot noong nagtanong, "Bakit may zombie dito? Diba sinabi ko sayong wag na wag mong buksan ang pinto hangga't alam mong wala pa kami?"

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now