Chapter 90: Girlfriend

153 15 1
                                    

Chapter 90

Girlfriend

MEANWHILE, sa itaas ng lugar kung nasaan sila Ashyra at Raiden, mayroon namang dalawang grupong magkaharap.

Ang isa sa dalawang grupo ay bugbog sarado na ang natamo.

"I said bring me to that f*cking Doctor Franklin!" Matigas na sigaw ni Ashton.

"Okey! Okey! So please can you just let us go!?", Isang nakaluhod na malaking lalake ang nasa harapan ni Ashton.

Sobrang bugbog na ng mukha nito at may tama pa itong natamo sa tagiliran na siyang gawa ng pagiging hunter ni Ashton sa pag gamit ng baril.

Nagbalak pa kasi itong tumakas dahilan hindi na nagbigaw awa si Ashton dito at tinuluyan niya nalang ng isang putok ng baril.

Galit na ibinaba ni Ashton ang hawak na baril tsaka tumingala sa mala simbahan na nasa harapan nila.

Simula ng mag awakened si Ashton, naging magaling ang sense of sight nito dahilan may napansin siyang kakaiba sa simbahan na nasa harapan nila at hindi nga siya nagkamali doon dahil maya maya lang ay bigla nalang bumagsak ang malaking gusali ng simbahan.

"Wahhh!" Napasigaw pa si Chantrea sa gulat sa mabilis na pangyayari sa harapan nila.

Pati si Amora na pinipilit ang sariling manahimik ay nagulat din sa pagkakabagsak ng malaking gusali ng simbahan.

Hindi naman sila nakaramdam ng lindol kaya talagang hindi nila inaasahan na mangyayari yun.

Pero si Ashton na napansin ang pagyanig ng gusali ay nakahanda na sa pagkakaguho nito dahilan hindi na siya nagulat sa nakita.

Pinanood nila kung paano gumuho ang gusali bago muling itinutok ni Ashton ang hawak na baril sa lalakeng nakaluhod sa harapan niya.

Pati ang nakaluhod na lalake ay nakinood din sa bumagsak na malaking gusali ngunit nang maramdaman ulit ang pagkakatutok ng baril ni Ashton kaagad din itong nabalik sa pangyayari.

"Ah! I already said that I'll tell you everything I know! I can also send you to where Doctor Franklin is now!", Kaagad na takot na sabi ng lalake.

Kunot noo pang napa ikot ng mata si Kylie na siyang nasa tabi lang naman ni Ashton.

'Tsk, just a while ago, you all act like gangsters, now you can only obey and kneel down in front of us? Tsk, bastard, motherf*cker!' napapaisip pa si Kylie.

Noong una kasing makita nila ang lalakeng nakaluhod, kaagad nilang naiintindihan na may kunektado ito sa tinatawag na Doctor Franklin ni Ryan dahil ang lalake lang naman na ito ay siyang ang lalakeng kausap ni Ryan kanina lang.

"Of course, you'll do that because if you don't, you know what I'll do, right?" Sa paningin ng lalakeng nakaluhod, mukhang demonyo para sakanya ngayon ang itsura ni Ashton habang sinasabi nito iyon.

"Okey! Okey! Please just don't kill me! You can follow me and I'll let Doctor Franklin see all of you!" Mabilis na tumayo ang lalakeng nakaluhod tsaka itinuro pa ang daan kung saan puwedeng dumaan papunta sa underground laboratory.

"Who told you to stand up? How dare you? You need to crawl down!", Ang malditang si Kylie ay hindi pa pinalagpas ang pagkakataon para sa lalakeng bugbog sarado na.

"Oh please", hindi pa napigilan ng lalakeng natatakot na mapaiyak kahit na sobrang laki naman ng katawan nito.

Well, talaga namang nakakatapak ng dignidad ang ginagawa niya para sa lalakeng sobrang laki ng katawan.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now