Chapter 108: Journey

140 13 8
                                    

Chapter 108

Journey

"YOU can able to plant 50 meters away from the tree. At dahil sa energy nito, mas magiging madali sainyong makapagtanim ng mga pagkain", ipinaliwang ni Ashyra ang tungkol sa enerhiya na inilalabas ng puno.

Tinuruan ni Ashyra ang batang puno na manatili sa kaisipan nito upang hindi ito maging agresibo pero hindi niya inaasahan ay ang pagpapanatili sa conscious nito ay lalabas din ang enerhiya nito.

Maganda ang paglalabas ng enerhiya ng puno para sa mga kasama niya at para sa kapaligiran ng pinagtutuluyan ng mga ito pero alam ni Ashyra na ang enerhiya na ito ay makakakuha din ng atensyon sa iba lalo na sa mga tao.

"Kuya Ton, I explained to you about the tree's energy. Kasama ang mga bodyguards nila Tita Lorien, kailangan ninyong protektahan ang lugar na ito. Kill every person who has any thoughts about this place. Babalik pa kami kaya siguraduhin niyo ang kaligtasan niyo", pag-papaalala ni Ashyra sa nakakatandang kapatid.

Ngumiti naman si Ashton at ginulo ang buhok ni Ashyra.

"Don't worry too much. Kayo dapat ang mag-ingat. Hindi ligtas ang dadaanan niyo papunta sa Province S. You need to make sure na makakabalik kaagad kayo dito. Also, with the walkie-talkie that Tito Lennon give you, you always needed to report to us kung ano na ang setwasyon niyo",

Tumango si Ashyra. "Take care of them, Kuya Ton", Tumingin si Ashyra sa mga maiiwan na kasama.

"Ash, you need to take care of yourself, okey? Dapat bumalik kayong maayos," Lumapit si Amora kay Ashyra.

Hinawakan ang kamay ni Ashyra habang makikitang nag-aalala si Amora.

"Hindi pa nga kami nakakaalis, nag-aalala kana", Hindi mapigilan ni Raiden na sumingit.

"Shut up! You need to take care of Ash, okey?! Also, protect her no matter what!" Bumaling naman si Amora sa pinsan.

Hindi sumagot si Raiden ngunit tumango naman siya.

"Kailangan niyo ding mag-ingat. Be on guard. Wala na akong masabi dahil I know naman na alam niyo na ang gagawin niyo," Si Luna naman ang lumapit kay Ashyra.

Nag-aalala si Luna ngunit may tiwala siyang magiging ligtas ang mga ito.

"Take care," Pati si Luca ay nagsalita din.

'Yun lamang ang nasabi ni Luca dahil siya ang may mas tiwalang magiging maayos lang sila Ashyra. Ashyra with Raiden, wala na siyang maipag-aalala pa dahil alam niyang kapag magkasama ang dalawang ito, magiging maayos lang ang lahat.

Sana nga lang ay hindi mangyari ulit ang nangyari sa laboratory but still, with Raiden's orange-level ability, siguradong magiging maayos lang sila.

Isang mahabang pagpapaalam ang naganap at isang oras ang lumipas bago nakasakay sila Ashyra sa sasakyan na siyang prinovide ng pamilya nila Luna.

"Ate Ash, magiging maayos lang ba sila habang nandoon ang malaking punong yun?", Bigla ay napatanong si Kasper.

Napatingin naman si Ashyra sa rear view mirror ng sasakyan. Tinignan ang reflection ni Kasper sa likod.

"It will be fine. Kapag nakakatanggap ito ng crystal cores, nagiging mas active ang consciousness nito kaya siguradong hindi ito magiging aggressive", Sagot ni Ashyra.

"But, that tree was a kid, right?" Habang nakatingin sa reflection ni Kasper, may napansin si Ashyra.

Kilala ni Ashyra kung anong ugali ang meron si Kasper. Kahit 19 na ito, bata padin ito mag-isip. He's still innocent. And Ashyra understands kung bakit nakikita niyang natatakot ang binata.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now