Chapter 42: What To Do

173 10 0
                                    

Chapter 42

What To Do

"NASH!" Tinawag ni Raiden si Nash at mukha namang naintindihan ni Nash yun.

Hindi na naghintay na liwanagin ni Raiden ang sinabi nito, kaagad nang gumalaw si Nash at binuhat sa likod ang natatakot na si Marine habang si Raiden naman ay binuhat nadin si Ashyra dahil alam nitong sobrang hina ni Ashyra at mabilis lang itong mapagod.

Nagsisitakbuhan sila palayo sa malaking gagamba na siyang hindi naman humahabol.

Nang sa tingin nilang sobrang layo na nila sa pwesto kung nasaan ang malaking gagamba, kaagad na silang huminto ngunit nagsitaguan naman sa mga sasakyan na siyang nandoon.

Humahabol ng hininga hindi dahil sa sobrang pagod kundi dahil sa sobrang gulat at takot. Hindi nila inaasahan na may malaki palang gagamba sa lugar na ito.

"Guys, he's not breathing" bigla ay nagsalita si Luca habang ibinababa ang katawan ng bata.

Kaagad namang naintindihan ng mga kasama ang sinabi nito.

Hindi nila alam kung ano ang mararamdaman. Ito ang unang nakakita sila ng taong namatay ng hindi bilang zombies kundi bilang tao talaga maliban kay Luna na siyang nakita kung paano mamatay si Jess ganoon nadin si Marine na siyang nakapatay nadin.

"Leave it here. We need to plan how to get our minivan back" seryosong sabi ni Raiden.

Nadaanan na nila ang minivan kanina at dahil sa bilis ng pagtakbo nila at kaba't takot hindi na nila naisip na sumakay nalang doon. Buti nalang at hindi man lang nagbalak na humabol sakanila ang malaking gagamba.

"Paanong may ganoon kalaking gagamba? We already know na may level, non, at rare zombies, paanong may uri ding ganoon? Is that another species of zombies" sabi naman ni Amora na mababakasan ng takot.

"It's not zombies. Naisip ko nadin ito, kung ang zombies at tao ay nakakapag level up and evolve, then it means na nag lelevel up at evolve then ang mga hayop. Mapa mammals, birds, fish, reptiles, amphibians, or arachnids. There's a big possibility na lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay nag evolve except sa plants" paliwanag ni Raiden sakanyang teorya.

"Oh my, that's one of the weirdest things I notice. Kahit mga ibon ay wala akong makita sa paligid" ani ni Amora.

"What does evolve mean? Katulad ba ng gagambang ito? Lumalaki din?" Tanong ni Nash habang nakatingin kay Raiden.

Umiling naman si Raiden. "No, do you know the reason why that tarantula didn't follow us?"

Umiling kaagad ang mga kasama biglang sagot nila.

Si Ashyra na siyang may nalalaman din dito ay hindi na napigilang magsalita, "It's about intelligence" sagot ni Ashyra.

Napatingin pa sakanya si Raiden bago tumango ang lalake, "Yeah, intelligence. Nang makita natin ang babaeng yun, she looks us with an emotionless eyes, it's not because she's looking down at us but because she's already dead"

Prenoseso ng mga kasama ang nadinig.

"Wait, sinasabi mo bang ginawang pain ng gagambang yun ang babaeng yun para lumapit tayo dito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Nash.

"That kind of intelligence? It didn't even plan to follow us dahil alam nitong halos lahat tayo ay awakeners" tango naman ni Amora.

"Ibig sabihin, kung nahuli tayo sa patibong nito, we're died. Sa napansin ko, ang sapot na nakita natin ay galing sa gagambang yun. What should we do? Hindi natin alam kung kaya ba nating kalabanin ang gagambang yun" sabi ni Luna.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now