Chapter 21: Plan

272 23 4
                                    

Chapter 21

Plan

NAGSIMULANG gumalaw sila Ashyra. Dahil may posibilidad na makuha nila ang atensyon ng mga white zombie, napag disisyonan nilang isa isa nalang na ilapag ni Jess sa lugar kung saan malayo layo sa building at safe ang paligid.

Mabilis lang nilang nagawa yun, madami ang nakakapansin na mga non-level zombies pero dahil lumilipad naman si Jess, hindi sila naabot ng mga ito.

Nang makababa na ang lahat sa pwesto kung saan hindi naabot ng mga zombie, nakahinga na sila ng maayos. Buti nalang talaga at walang nakapansin na white level zombie sa galaw nila.

Nasa mataas silang lugar kung saan may hagdan naman pababa, ang problema ay may mga non-level zombies ang nagkakagulo sa ibaba na siyang pilit silang abutin at dahil nga hindi naman matatalino ang mga zombie na ito, hindi nila alam ang gamit ng ladder sa gilid.

"The business building is here while our location is here" may ipinakita si Luna sakanilang drinowing niyang mapa.

"Dadaan pa tayo sa science building at boys dormitory, kailangan pa nating maglakad pakaliwa sa library then madadaanan pa natin ang canteen" sabi ni Raiden na siyang nag-iisip ng paraan sa mas madaling daan.

"Sobrang layo naman nun, sa tingin ko hindi na tayo aabot sa business building e" sabi naman ni Amora na siyang nahihirapan ding mag-isip.

"There's a way pero hindi ako sigurado kung safe ba ito," Raiden said while pointing to the map.

"Anong way? Wala akong makitang madadaanan pa papunta sa business building, kung dadaan tayo dito," tinuro ni Amora ang maliit na iskinitang daan deretso sa likod ng malaking canteen ng university. "Siguradong magkakandahirap tayo dahil may mga harang dito, tsaka kung aabot man tayo sa likod ng canteen, hindi naman tayo sigurado kung safe nga ba ang canteen"

"Kaya nga sinabi kong hindi ako sigurado kung safe ito pero we need to try our luck. Ito lang ang nakikita kong magpapadali saating makapunta sa business building" sabi ni Raiden.

"Pero kailangan padin nating magsakripisyo, hindi tayo siguradong safe dito. May posibilidad na ma trap pa tayo, at hindi na makaligtas pa" katwiran naman ni Amora.

"No, with our three awakened, siguradong magiging madali lang saatin makapunta sa likod ng canteen. Ang problema, ay ang mga white level zombies, hindi tayo sigurado kung gaano na sila kadami at kung nasaan sila nagtatago" singit ni Ashyra. "Kung mayroon mang tatlo o limang white level zombies na nakatago sa dadaanan natin, ligtas pa naman yun dahil nandito si Raiden, pero kung ang mga yun ay nakapag level up na ng 3 o 4, siguradong mahihirapan na tayo"

"Just let's try our luck?" Sabi ni Jess habang nakikinig.

"Wala na naman tayong magagawa, sa tingin ko mas safe dito kesa sa daan kung saan madadaan pa natin ang apat na building na ito" itinuro ni Luna ang science building, dorm building, a library at ang harap ng canteen.

"Then let's start?" Tumayo si Raiden na siyang ikinatayo din ng mga kasama.

Makikita sakanila ang kaba at takot pero wala na silang magagawa kundi ang sundin nalang ang plano dahil ito lang naman ang satingin nilang madali at mas safe kesa sa daan kung saan madadaanan pa nila ang apat na building.

"First, unahin muna natin ang mga nakaharang" sabi ni Raiden tsaka naunang tumalon papunta sa mga zombies na siyang pilit silang inaabot.

Mabilis at malakas ang galaw ni Raiden kaya parang ang dali lang sakanyang kalabanin ang mga non-level zombies na ito.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now