Chapter 109: Rat Attack

150 13 10
                                    

Chapter 109

Rat Attack

ALAM nila Ashyra na hindi magiging madali ang pagpunta sa Province S ngunit hindi nila inaasahan na nang lumiko ang sasakyan nila upang dumaan sa kabilang kalsada dahil sira na ang kalsada sa harapan nila, sakto namang humarang sakanila ang madaming daga.

Hindi lang matatawag na marami, sobrang rami talaga. Si Trey ang siyang mas takot na takot sakanila ngunit hindi nito maintindihan ang nararamdaman dahil nagdadalawang isip siya kung maayos nga lang ba ang mga daga sa harapan nila dahil hindi naman ito malalaki, ngunit mukhang naiintindihan na ni Trey kung ano ang dapat na tanggapin at yun ay dapat hiniling niya na lang na malalaki ang mga daga na ito kesa sa ganito ka dami.

Maliliit na nga, madami pa.

"Let's do this faster", Sabi ni Raiden tumingin kay Kasper na nasa likod ng sasakyan.

Tumango naman si Kasper at naunang bumaba sa sasakyan. Bumaling ang paningin ni Raiden sa katabing si Ashyra.

Kinuha ni Ashyra ang isang espada na siyang ibinigay ni Chantrea sakanya. Nagbigay din ng tingin kay Raiden bago sila nagtanguan at sabay na bumaba sa sasakyan.

Ang naiwan na si Trey ay nagdadalawang isip pa kung ano ang gagawin.

"Why are you leaving me here?!" Sigaw pa nito sa takot ngunit nakakita siya ng kutsilyo sa harapan ng sasakyan. Inabot niya yun bago kinakabahang pinapanood sila Ashyra sa labas. "What else can I do?" Bulong niya pa bago mabilis ding bumaba sa sasakyan.

"This thing...", Nagsalita si Ashyra, nahiwa ng hawak niyang espada ang malaki ngunit mukhang normal naman na daga ngunit nang mahiwa iyon, hindi pulang likido ang tumalsik sakanya, kundi itim na likido.

"Evolve rat ah", Sumagot din naman si Raiden at gamit ang kamay niyang maylumalabas na kulay orange na kidlat, inatake niya ang mga daga.

Tuwing tinatamaan ang mga dagang ito, sumasabog ito dahilan hindi maiwasan ni Raiden ang itim na likido ng daga.

"A low evolve rat?" Nagtanong si Ashyra na siyang focus sa ginagawa.

"Hmm-hmm, but don't underestimate their number", Tumango naman si Raiden.

Kapansin pansing nagiging kalahati nalang ang mga evolve rat sa harapan nila ngunit nang sabihin ni Raiden yun, bigla na namang may dumating na mga evolve rat na siyang nanggaling sa mga drainage.

"It's increasing?", Nagsalita si Kasper n siyang mas naliligo pa sa itim na likido dahil tanging kamao lang nito ang ginagamit sa pakikipaglaban.

Bilang isang green awakened, normal na na may malakas at matibay na balat si Kasper laban sa mga kahit anong nilalang dahil yun naman talaga ang kaibahan ng green awakened sa mga normal na awakened.

"Kill as much as you can. We can't leave these pests here", paalala ni Raiden upang malaman ng mga kasama ang isa sa dahilan kung bakit kailangan pa nilang kalabanin ang mga dagang ito kung puwede naman na silang tumakas pasakay sa sasakyan nila.

Naintindihan naman nila Ashyra ang sinabi nito. They need to kill as many evolve rats as they can upang hindi na ito maging sagabal sa kanila at sa iba pang dadaan sa kalsadang ito.

Hindi sumagot ang mga kasama ni Raiden ngunit mas naging marahan at malinis naman ang galaw ng mga ito habang nakikipaglaban. Naging marahan upang masiguradong hindi kaagad sila maubusan ng lakas at enerhiya at malinis upang hindi na sila maligo sa itim ngunit malagkit na likido.

Mas naging delikado na nga talaga ang mundo. Hindi lang level zombies ang maari nilang makasalubong pati insekto at peste ay makakaharap din nila.

"Waaa! Magiging zombie ako ahh!" Habang umaatake si Trey upang protektahan ang sarili, sumisigaw ito.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now