Chapter 73: This Strange Dream Again

163 14 0
                                    

Chapter 73

This Strange Dream Again

"ASH, open your eyes",

Unti unti ay bumalik ang ulirat ni Ashyra. Dahan dahan siyang dumilat at bumungad naman sakanya ang pamilyar at hindi din pamilyar na lalake.

Hindi niya makita ng klaro ang mukha nito ngunit klarong klaro naman sakanya ang malaki nitong katawan na siyang nakahubad.

"Wake up. There's a group coming to us", sabi ng lalake habang inaalalayan si Ashyra sa pagbangon mula sa pagkakahiga sa luma at sirang sapin na siyang ginamit niyang tulugan.

Bumaba ang tingin ni Ashyra at doon niya na realize na nakahubot hubad din siya at tanging puting kumot lang ang pinantakip.

"My clothes?",

Inabut ni Ashyra ang pares na damit na siyang ibinigay ng lalake. Para pang normal na nag dikit ang kanilang mainit na balat at dahil dito, pakiramdam ng totoong Ashyra na para talagang totoo ang panaginip na ito.

Bawat segundo sa panaginip ay klarong klaro, napanood niya pa nga kung paano mag ayos ang lalakeng kasama. Simula sa pagsuot nito ng puting sando, itim na pantalon, sapatos at pagsuot ulit ng itim na hoodie jacket, napanood ni Ashyra ang lahat.

Pero sa dulo ay lumabas padin sila sa tinutuluyang tent.

Inaakala ni Ashyra na sasalubong sakanya ang maliwanag at kulay berdeng mga damuhan katulad ng nakaraan niyang panaginip ngunit nasa loob pala sila ng sira at lumang bodega. Makikita niya pa ang dalawa pang tent na nasa loob ng bodega.

Mula sa dalawang tent nayun, mayroong tatlong taong lumabas.

Sa unang tent, may dalawang babaeng lumabas habang sa isang tent naman ay may isang hindi pamilyar na lalake ang lumabas.

Hindi padin klaro ni Ashyra ang mga mukha ng mga taong ito pero dahil klaro para sakanya ang mga tindig ng mga ito, kaagad niya itong nakilala lalo na dahil sa nagdaang panaginip niya.

"Look outside the building", bigla ay nag utos ang bago at hindi pamilyar na lalake.

Gumalaw naman ang lahat upang sumilip sa labas ng building.

Doon, nakita nila ang mga sasakyang pansundalo. Ang mga sasakyang iyon ay palapit sa lugar nila.

Hindi man kontrolado ni Ashyra ang Ashyra sa panaginip, may naiintindihan naman siya sa nangyayari...

"YOU didn't meet any Marine Fuentes?", The familiar military leader asked.

"We didn't. Aren't you here to rescue us?", The hoodie jacket guy also asked back.

"We're not. We're personally assigned to search for our leader's daughter. If you want to join us then you can follow in the back but let me remind you, we won't protect you from any danger. Ha, it's a pity that you kid is also trapped in this catastrophe", umiling iling pa ang military guy.

Ang Ashyra sa panaginip ay hindi gumalaw at tanging nakatitig lang sa militar na iyon ngunit napansin padin ng totoong Ashyra ang pagtinginan ng mga kasama.

Hindi kontrolado ni Ashyra ang katawan kaya ng yumuko ang Ashyra sa panaginip, wala siyang magawa kundi tignan nalang din kung nasaan nakatutok ang paningin ng Ashyra sa panaginip.

Walang nararamdaman si Ashyra pero bigla ay parang flashback na dumaan sa memorya niya ang isang pangyayari...

"It's really hard to survive in this world", isang malalim na buntong hininga ang nadinig ni Ashyra sa flashback na memorya ng Ashyra sa panaginip niya.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now