Chapter 84: Calculation

115 13 0
                                    

Chapter 84

Calculation

"HEY, can someone help me too?", Bigla isang boses ang nagsalita.

Ang nag mamay-ari ng boses nayun ay natatakpan ng mga box. Si Chantrea naman na siyang gustong iwasan ang nakakatandang kapatid ay kaagad na dumalo sa nag mamay-ari ng boses.

Hindi nagsalita si Chantrea nang tinatanggal ang taling nakatali sa lalake ngunit nang matanggal yun, hindi napigilan ni Chantrea ang magsalita habang nakatingin sa lalake.

"Who are you?" Ani ni Chantrea dito.

Ang para namang tutang napapaiyak na si Trey ay kaagad na umayos ng upo.

"I'm Trey—", naputol ang sagot ng lalake.

"Kasper!" Nagmamadaling tumayo at tumakbo si Chantrea kay Kasper na siyang busy sa pagtali at pag pasok sa mga nahuling kalaban sa kahoy na bahay.

Naramdaman kasi ni Chantrea ang mabilis na galaw ng nakakatandang kapatid, buti nalang at malakas ang intuition niya dahil mabilis din itong nakatakas at nagtago sa likod ni Kasper.

Mababakas pa ang busy na si Kasper ngunit nalinawan din siya nang isang matangkad na lalake ang biglang nasa harapan niya.

"Get out of my way", seryoso ang boses ni Ashton at para kay Kasper, dahil siguro sa halos magkamukha ang lalakeng nasa harap niya at ang kanyang kinikilalang teacher na si Ashyra, hindi niya magawang sawayin ito dahilan umalis nga siya sa kinapupuwestuhan.

Makikita naman kay Chantrea ang parang pinagtrayduran siya ni Kasper.

Seryoso lang na lumapit si Ashton kay Chantrea, hindi pinansin ang reaksyon nito habang nakatingin kay Kasper.

"Agh!", Isang malutong na pitik ang dumeretso sa noo ni Chantrea.

"Easy please", hindi napigilan ni Kasper ang magsalita nang makita ang pitik nayun. Ayaw niya namang makakita ng babaeng inaabuse ng malaking lalake diba?

Mukhang napahinto naman si Ashton dahil kahit gustong gusto niya mang pitikin pa ulit ang noo ng kapatid, wala namang magbabago sa kung ano ang nangyayari ngayon.

His sister is here now, what else can he do? Tanging tatanggapin niya na nga lang ang nangyayari.

Naiinis na tinignan ni Ashton si Chantrea bago humarap sa kalaban na nakabalot sa ugat na gawa ni Kasper.

Magsasalita na sana si Ashton upang pagalitan ang mga tumali sakanila nang maunahan naman siya ng girlfriend niyang si Kylie.

"F*ck you! No one can stop me from killing all of you!" Sigaw ni Kylie kasabay ng pagsipa niya sa mga lalakeng nakagapos sa ugat.

"Yes! Hurt them more! Kylie, kick that fat guy! They even leave me behind the box! I thought I'll suffocate to death!" Bigla namang nag-ingay si Trey na siyang nakatayo at nakatago lang sa likod ni Kylie.

"I'll really do that!" Hype na hype si Kylie sa pagsisipa sa walang magawang mga kalaban. "Wait—", biglang napahinto sa hangin ang paa ni Kylie.

"What?" Taka pang nagtanong si Trey.

Dahan dahan ang galit na mukha ni Kylie ay mas lalong nagpuyos. Kulang nalang malagyan ito ng sungay para magmukha ng demonyeta.

"B*tch! Where is that b*tch!? I'll make sure to kill that b*tch first!", Malakas ang sigaw ni Kylie.

Si Lea naman na siyang nagtatago sa malalaking katawan ng mga lalakeng kasama ay kaagad na napaiyak sa takot.

Goddess In Apocalypse (On-Going)Where stories live. Discover now