Prologo

79 11 2
                                    

Napahinto ako sa pagtakbo. Kung saan-saan sumasabit ang laylayan ng gown ko kaya mas lalo akong nag-panic.

Just great. What a great birthday this is!

"Ano ba yan?!" singhal niya.

"H-Hoy!" Napatili ako nang walang kahirap-hirap niyang pinunit ang gown ko. "Ang mahal niyan!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Anong mas mahal, ito o buhay mo?"

Napasinghal nalang ako sa sobrang inis. I can't argue with that. Mas mahal ko buhay ko. But still, it's my birthday dress!

Habang abala siya sa pagpunit ng gown ko, napansin ko mula sa malayo ang iilang mga wraith na pumapasok sa loob ng lagusan.

Nabahala ako. "K-Klauss, hindi naman siguro sila makakapasok sa village hindi ba?" nag-aalala kong tanong sabay turo sa mga ito.

Nanlaki ang mata niya.  "Fuck!" Hinila niya na ako at nasitakbuhan kami ulit. "Nanganganib ang village, kailangan na nating bumalik!"

"Di ba may barrier naman?! " I screamed when thunder suddenly shook the skies.

Rain poured, hard.

"That passage is a gateway for the wraiths to enter the barrier, " sagot ni Klauss. "You just opened it, congratulations!"

Nakaramdam ako ng inis. "Eh sabi mo buksan ko ang pinto, tanga!"

Basang-basa na kami dahil sa ulan. Nakakairita, dumagdag pa ang damuhong to.

"Kasalanan ko na ngayon?!" singhal niya pabalik. "Sino bang tatanga-tangang pumasok sa basement kahit bawal ha?"

"Argh, ewan ko sayo!" naiirita kong hiyaw. "Saka ba't ba ang dami mong alam, ha—"

Bigla nalang may kumagat sa balikat ko kaya napatili ako ng wala sa oras.

That caused Klauss to stop. Nandilim bigla ang mga mata niya. Malakas niyang sinipa ang nilalang at halos matigalgal ako nang tumilapon ito palayo.

Nagulat ako.

A-Anong...?!

Hinarap niya ako.  "Listen, close your eyes," sabi niya.

"T-Teka..." Tulala kong sabi. "Paanong...?"

Paano yun tumilapon palayo?!

Imbes na sumagot ay tinakpan niya ang mata ko. "Don't open them, no matter what."

Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. "B-Bakit?"

"Because you'll witness something even more terrifying than those monsters," pagkasabi niya nun ay binitawan niya na ako.

Bubuka pa sana ang bibig ko nang makarinig ako ng isang nakakapanindig balahibong ungol.

Ungol ng isang halimaw.

Narinig ko nalang na nagsisigawan na ang mga wraiths.

"K-Klauss?" tawag ko sa kawalan.

Walang sumagot.

Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig o dahil sa matinding takot.

Don't open them, no matter what.

I remembered his warning. My instincts are warning me. But, my eyes seemed to have a mind of it's own and flured open.

Tuluyan akong tinakasan ng dugo nang makita ang isang nakakatakot na nilalang sa harap ko, mas nakakatakot pa sa isang demonyo.

Napatakip ako sa bibig pero hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod kong pagsinghap sa labis na takot.

The monster had dark protruding veins along it's neck, long sharp claws, huge fangs and ash grey hair.

I screamed when it tore away a wraith's body into two, scaring the hell out of me.

Bigla itong lumingon sakin. It's luminous blood red eyes gazed at me.

Napaupo ako sa takot, nagtitili. It's going to eat me!

Kinilabutan pa ako nang mapansing imbes puti ay itim ang nakapalibot sa mga mata niya.

I thought it would attack me but it just looked away and continued killing the wraiths.

That look... suddenly felt awfully familiar.

Saka ko naalala si Klauss. Klauss! Where is he?!

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita. I panicked until my gaze fell on the monster.

The bloodish moonlight illuminated it's face.

Isang segundo lang, at napatakip ako sa bibig ng mamukhaan ito. "K-Klauss, ikaw ba yan?!"

Sandali siyang napalingon sakin bago napahiyaw nang sunod-sunod siyang kinagat ng mga wraith.

The truth terrified me. Si Klauss nga!

But realizing that it's really Klauss and that he's hurt....

Terrified me even more.

This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictious, unless otherwise stated. Any resemblace to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.

Picture not mine. Credits to the righful owner.

Caution:

Some chapters contain gore, profanity and explicit scenes that may not be suitable for some ages.

Reader's discretion is advised.

Feel free to vote, comment and share. Love you all guys!

-Slb

The Curse of AshenvaleOnde histórias criam vida. Descubra agora